Part 35 (CEO)
"Ria, tapos mo na bang i-edit 'yung pinapa-edit ni Sir? Kailangan na kasi niya 'yun e."
Sabi ni Christine, isa sa mga kasamahan ko dito sa trabaho. Kaagad naman akong tumango.
"Tapos ko ng i-edit. Ise-send ko nalang 'yun sa kaniya mamaya."
"Thank you, Ria." Naka-ngiti niyang sabi. Ngumiti ako pabalik.
It's been three years simula nung gumraduate ako sa college. After I graduated ay kaagad akong nag-aral ng Master's Degree sa Ateneo de Manila University for two years. After getting my degree, naghanap kaagad ako ng trabaho. Luckily, I found a publishing company here in Dumaguete. Bago pa lang itong kompanya na 'to ngunit pagkatapos ng isang taong pamamalagi ng kompanyang ito ay natamo nito ang kasikatan sa buong Asya. Kaya dito ko sinubukang mag-apply. I got hired immediately dahil naghahanap din sila ng Copy Editor sa panahong 'yun.
I haven't seen the CEO simula noong nagtrabaho ako dito. Tanging ang Executive Assistant lang ng CEO ang nandito para asikasuhin ang kompanya. I heard that he's always in his branch in Manila at tinatawagan niya lang palagi ang kaniyang Executive Assistant para sa mga updates ng kompanya.
Ang sabi ng karamihan dito na nakakita na sa CEO ay masungit ito at hindi man lang ngumingiti. Palagi rin itong nasa loob lang ng opisina niya at hindi nakikihalubilo. May mga nagsasabi na may girlfriend na raw ito at ang girlfriend niya ang palaging bumibisita sa kaniya sa opisina niya.
Pagkatapos ng trabaho ay biglang dumating si Sir Adrian, ang Executive Assistant ng kompanya. Nakatayo siya ngayon sa harapan namin habang nakapameywang.
"Attention. The CEO wanted us to have a team building this weekend. Two days ang team building so that means Saturday and Sunday ito gaganapin."
Team building sa Saturday at Sunday? Pero uuwi ako sa amin sa Saturday kasi uuwi si Vincent galing Manila. Tinaas ko ang kamay ko at nakita naman iyon ni Sir Adrian.
"Yes, Azariah? Any questions?"
Tumayo ako. "Pwede bang hindi ako sumali sa Team Building? Uuwi ako sa Saturday sa amin, e. May aasikasuhin kasi ako."
Atsaka, ngayon lang naman ako hindi makakasali sa Team Building. Last year ay sumali ako kaya ayos lang naman siguro na hindi makasali ngayon.
"I'm afraid you can't absent, Azariah. This coming team building ay sasama ang ating CEO for the first time. He wants to know everyone who works in this company kaya niya 'to pina-schedule. This is a one time opportunity kaya kailangang kumpleto kayo."
Napakagat-labi ako. Narinig ko naman ang samu't saring ekspresyon ng mga katrabaho ko sa department namin. Lahat ay excited dahil sa narinig. Marami namang babae na kinilig dahil sa pagkakaalam nila ay gwapo ang CEO namin.
Napatango ako at dahan-dahang umupo. I promised Vincent that I'll meet him in the airport on Saturday. Paano na 'to?
"Gaganapin ang Team Building sa isang private resort ng CEO sa Mabinay. 7:00 am ang call time at thirty minutes lang ang palugit para makahabol ang mga late. But I should encourage you to be on time. Ayaw ng CEO na pinaghihintay siya. Our CEO's time is precious kaya sana 'wag kayong ma-late."
Napatango ang lahat sa sinabi ni Sir Adrian. Lumingon naman sa akin si Sir.
"Azariah, I am expecting you to be there. Isa ka sa mga magagaling na empleyado dito sa department niyo kaya kailangan na nandoon ka. Are we clear?"
Tumango ako. Wala akong choice kundi ang pumunta. Sana naman ay maintindihan ni Vincent na hindi ko siya mapupuntahan sa airport.
Pagkatapos ng meeting ay kaagad na akong nagligpit ng gamit para makauwi na. Lumapit si Christine sa akin pagkatapos niyang makapag-ayos.
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
RomanceAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...