Part 14 (Concern)
Luis lend me his spare shirt bago kami lumabas ng school campus. He insisted on giving me a ride home. Dahil sa sitwasyon ko ngayon ay pumayag na ako.
My eyes are puffy, my face is a mess. Pati ang buhok ko ay wala na sa saktong ayos. Good thing at kotse niya ang kaniyang dala. Wala din kasi ako sa sarili kaya baka malaglag lang ako sa motor niya.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nasa tapat na kami ng bahay ko. He stopped his car infront of my house. Wala akong imik. I want to thank him. Kaso, wala akong lakas para sabihin 'yun. Masyado akong pagod at takot.
"Sana hindi ito makarating kay Mommy. Ayokong mag-alala siya." Nanghihina kong sabi.
Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang manibela.
"But what they did to you was-"
"Please..."
Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. Instead, I pleaded. Ayokong mag-alala sina Mommy sa akin. I want this to keep for myself. Ayokong lumaki pa ito lalo.
He just sighed. Although hindi siya sang-ayon sa sinabi ko, pero wala siyang magagawa. This is already my decision.
"Thank you,"
That's the last thing I said bago ako lumabas at pumasok sa gate ng bahay. Bago pumasok ay inayos ko muna ang sarili ko. I put some powder on my face para hindi sila makahalata sa namamaga kong mata.
"Good afternoon, Mom. Ang aga mo ngayon ah?" Bati ko kay Mommy na nagdi-dilig ng halaman.
She looked at me and smiled. Tumigil siya sa pagdi-dilig ng halaman at lumapit sa akin.
"How's school?" Tanong niya.
Ngumiti ako. "It was fine."
Dumapo ang paningin niya sa suot kong t-shirt at kumunot ang noo.
"That's not your shirt." Sabi niya.
Tumikhim ako.
"I forgot to bring extra shirt po kasi. May practice nga pala kami ngayon. So, I borrowed my classmate's extra shirt."
Tumango lang siya pero halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Mothers know best, indeed. Umiwas ako sa kaniyang tingin at pinasadahan ng haplos ang buhok ko.
"Kwarto po muna ako."
Sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mommy. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon napatulala. Muntik na 'yung kanina. Muntik na nila akong makuha. Mga hayop sila! Mga walang kaluluwa. They should rot in hell! Mas bagay sila doon. Mga buwisit sila!
Nandidiri ako sa paghawak nila sa katawan ko. Pakiramdam ko, ang dumi na ng katawan ko dahil sa mga marurumi nilang kamay na humawak sa akin.
I immediately went to the bathroom and washed myself. Napaiyak nalang ako habang inaalala ang nangyari kanina. Mga hayop sila! Naiinis ako at nanggigigil.
Maaga akong nakatulog nung gabing 'yun. I didn't have the chance to eat dinner because of my puffy eyes. Wala rin akong gana kaya natulog nalang ako. Dala na rin siguro ng pagod ay nakatulog ako kaagad.
Kinabukasan, parang ayaw ko pang pumasok. Feeling ko, kapag bumalik ako doon ay maaalala ko lang ang lahat ng nangyari.
I'm still at my bed when Mom opened the door of my room. Naka-bihis na siya at handa ng pumasok sa trabaho. Ako lang ata ang hindi pa nakakapag-bihis sa kanilang lahat.
"Bakit hindi ka pa nagbi-bihis, anak?"
Tanong ni Mommy sabay lapit sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama ko at hinawakan ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
RomansAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...