Part 6 (Heartless)
Ng maka-alis si Rhea para mag-punta sa kusina ay na-upo naman ako kaagad sa couch. Hindi ko pinansin ang lalaking ito sa tabi ko at mukhang wala naman siyang balak na kausapin din ako kaya hindi na ako nag-abala pa na i-offer sa kaniya ang pang-isahang couch na katabi sa pang-maramihang couch na inuupuan ko. Bahala siyang mangawit kaka-tayo diyan.
Pagkaraan ng ilang minutong walang imikan ay lumabas si Rhea mula sa kanilang kusina na may dalang tray ng pagkain. Tumayo ako para tulungan na sana siya sa pagdadala ng inunahan ako ng lalaki-- i mean, Luis sa paglapit sa kaniya.
Kinuha niya ang tray at binigay naman ito ni Rhea sa kaniya. Umupo si Rhea sa tabi ko habang inilalapag ni Luis ang tray ng pagkain sa lamesa. Umupo naman ito kaagad sa pang-isahang couch.
Natakam naman kaagad ako ng makita ang pagkain sa lamesa. Toron at pritong saging ito. I only know them by name pero hindi pa ako nakaka-kain ng pagkaing ito pero sa tingin pa lang nito ay masarap na.
"Ito ang specialty namin dito, Ria. Toron at pritong saging. They're delicious. Try them!" Sabi ni Rhea.
Kumuha naman ako ng isang toron at dalawang pritong saging at inilagay ito sa pinggan ko. Yum! Ang sarap! Matamis ito at ang toron ay may lamang saging at nangka.
"Masarap ba?" Tanong ni Rhea. Tumango naman ako. Kaagad na kumislap ang mata niya. "Great!"
"Punta ka sa debut ko Luis ah?" Sabi ni Rhea.
"Ofcourse, I'll be there. That's your big day."
Panay lang ang kwentuhan at tawanan nina Luis at Rhea. Para ngang hindi ako nag-eexist dito e. Wala naman akong pakialam at tinuon nalang ang pansin sa pag-kain.
"Ria, tell me about your life in Manila."
Nabilaukan ako ng bigla akong kinausap ni Rhea. Akala ko ay hindi na niya malalaman na nandito pa ako sa tabi nila. Kaagad naman niya akong inabutan ng tubig. Ininom ko naman ito.
"Ayos ka lang?" Nag-aalala niyang tanong sa akin. Tumango lang ako. Ng mahimasmasan na ako ay tsaka lamang ako nagsalita.
"Sinabi ko na sa 'yo kanina ang buhay ko sa Manila. Clubbing, Partying, Drinking, Schooling. Vice versa. Wala namang kaka-iba dun." Sabi ko sabay kibit-balikat.
"You drink?" Tanong ni Luis sa akin. Aba't kinausap niya ako. Napatingin ako sa kaniya at tumango. Nag-igting ang panga niya.
"Brat." Bulong niya na rinig ko naman. Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. What the hell?
"Ano'ng sabi mo?!" Galit kong tanong sa kaniya. Taas baba ang dibdib ko dahil sa galit. Ano ba'ng problema ng lalaking 'to?!
"You said you drink and go clubbing. Ano pa ba ang tawag sa 'yo? You're a brat. Kaya siguro naisipan ng mga magulang mo na lumipat dito. To keep you away from those bad habits. You can't blame them. They're your parents."
Namuo naman ang luha sa gilid ng mga mata ko. I can't believe he said those words! Yes, I go clubbing and I drink. Pero hindi naman ako pabaya sa buhay ko. I love my parents kaya pinagbubutihan ko pa rin ang pag-aaral ko at maging mabuting anak sa kanila.
"If I were you, you should stop being a brat. Make your life worthy to make your parents proud." He 'tsk'-ed afterwards.
Napatayo naman ako at galit na tinapunan siya ng tingin. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko mula sa mga mata ko. Marahas ko itong pinunasan. I'm used to people saying that I'm a brat. Pero kapag nasali na ang pamilya ko sa usapan ay nagiging mahina ako.
"You know what, I guess you're right. I'm a brat. But don't you fvcking question me about how I handle my life!" Sigaw ko sa kaniya.
Dahil sa galit ay nasampal ko siya ng malakas. Nagbakat naman ang daliri ko sa kaniyang namumulang pisngi. Nag-igting ang panga niya.
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
RomanceAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...