Part 12 (Two, One)
Days have passed and today is the first day of school. Excited ako na kinakabahan. Excited because new environment and people. Nervous because I know that Luis will be my classmate.
"Ria, tapos ka na ba diyan? Halika na, anak!"
Tawag sa akin ni Mommy mula sa baba. Kinuha ko ang bag ko sa kama at nagmadaling bumaba.
"Coming, Mom."
Pagkarating ko sa sala ay nandoon na si Mommy, nakahalukipkip. Kaagad naman siyang lumabas at sumunod ako sa kaniya. Kuya Niel is in Dumaguete right now. Nagd-dorm siya doon at uuwi dito tuwing week ends.
Sumakay ako sa kotse ni Mommy. Pinaandar naman niya ito kaagad. I looked at my wrist watch and it's already 7:00 am. 7:15 ang flag ceremony ng school. I shouldn't be late.
Kaagad naman kaming nakarating sa skwelahan exactly 7:15 am. I kissed my Mom's cheeks before going out from the car.
"Take care, okay? Good luck for your first day."
Bilin niya sa akin. I smiled at her and nod. Pagkalabas ko ng kotse ay tinitigan ko ang gate ng Bais City National High School. Huminga ako ng malalim. Kakayanin ko ito.
Nagdesisyon akong pumasok na. Bago ako tuluyang makapasok ay napamura ako ng may biglang bumangga sa balikat ko. Muntik na akong matumba dahil sa pwersa ng kaniyang pagka-bangga sa akin.
"I'm sorry, miss!"
Naiinis kong tiningnan ang kung sino ang bumangga sa akin. Nanlaki ang mata niya ng makita ako. Ganun din ako sa kaniya.
"Ikaw pala, Ria. I'm sorry. Hindi kasi kita nakita kaagad."
Tumuwid ako ng tayo habang inilalayan niya ako. I smiled at him.
"Ayos lang, Dex."
Ngumiti din siya pabalik sa akin.
"Papasok ka na? Sabay na tayo."
Sabi niya. Sumang-ayon naman ako at sabay kaming pumasok sa loob ng school campus. Binati siya ng guard na nakabantay doon. Tinanguan niya lang ito sabay ngisi ng malapad. May ilan din kaming nakasalubong at kakilala ito ni Dexter. Sikat talaga siya dito, 'noh?
Pagka-punta namin sa may field ng campus ay kaagad kong nakita ang mga studyante na naglilinyahan sa mga section nila. Ang daming mga studyante dito sa skwelahan na 'to.
"What section ka?" Tanong ni Dexter sa akin.
"Corinthians." Sagot ko.
"Great! Magka-klase tayo." Masiglang sabi ni Dexter.
Tumawa ako sa naging reaksyon niya. Ang cute din ng mga reactions nitong Dexter e.
Sabay kami ni Dexter sa pag-punta sa linya namin. Nandoon sa kabilang dulo ang linya namin, malapit lang sa classroom namin kaya kaagad kaming nag-punta doon.
When we reached there, kaagad kong nakita ang mga pinsan ni Dexter. Pati na rin si Theresse ay nandoon. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng linya at bumuntong hininga. Wala pa siya. Buti naman.
"Ria, hi!"
Bati nila sa akin. When Theresse saw me, kaagad siyang lumapit sa akin.
"Ria! Magka-klase pala tayo!"
Masiglang sabi ni Theresse. Tumango ako.
"Oo nga e."
"Teka, wala pa si Luis?" Nagtatakang tanong ni Tristan.
"I'm here."
Napahinto ako sa paggalaw ng marinig ang boses niya sa likod ko.
"Luis, pare!"
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
RomanceAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...