Part 7: Kiss

549 8 0
                                    

Part 7 (Kiss)

Pagkalabas ni Rhea at Tyler sa double doors ay nagsimula naman din kaagad ang 18 dance niya. Ofcourse, ang daddy niya ang una niyang kasayawan pagkatapos ay ang kapatid niya, next is Addison, sumunod naman si Luis at pang-huli si Tyler.

Tyler and Rhea can be a good couple. Bagay na bagay silang dalawa tingnan. At mukhang masaya naman ang both families sa isa't-isa.

Habang nagsisimula na ang kain ay pansin ko na panay ang kwentuhan at tawanan ng family ni Tyler sa family ni Rhea. Rhea and Tyler seems like they have their own world dahil hindi sila nakikisali sa usapan ng pamilya. May sarili kasi silang pinag-uusapan.

"Ria! You're here!" Masiglang sabi ni Rhea sabay yakap sa akin mula sa likod.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya dito sa table namin.

"Ofcourse. Bakit naman ako hindi pupunta?" Sabi ko. She pouted.

"Iniiwasan mo ako."

Hindi ako naka-imik. I don't know what to say. It's true na iniiwasan ko siya dahil iniiwasan ko rin ang topic patungkol sa nangyari sa bahay niya a few days ago. And I'm really pissed about it kaya nadamay siya.

"I'm sorry." Sabi ko.

Ngumiti siya sa akin.

"I understand."

"Rhea, hija. You're so beautiful tonight." Sabi ni Mommy kay Rhea. Nakita ko naman na pinamulahan ng pisngi si Rhea.

"Thank you, Tita Leticia." Sabi niya.

"Boyfriend mo, hija?" Tanong naman ni daddy.

Mas lalong pinamulahan ng pisngi si Rhea dahil sa tanong ni daddy. Umiling ito.

"We're friends, Tito. By the way, this is Tyler Chiu. Ka-klase at kaibigan ko." Pakilala ni Rhea kay Tyler.

Nginitian naman kami ni Tyler revealing his oh-so-perfect white set of teeth. Ngumiti din kami sa kaniya.

"Tyler, this is Tita Leticia," turo niya kay Mommy. "Tito Jessie," turo niya kay daddy. "Kuya Niel and Ate Heather," turo niya kay kuya at ate heather na magkatabi, "and, Azariah, my cousin. Anak nila ni Tito Jessie."

Nakipag-kamayan siya sa amin at ngumiti. Ng makita niya si Addy ay nakipag-high five siya dito.

"Bro!"

Pagkatapos ng kainan at kwentuhan ay isa-isang nagsi-alisan na ang mga tao. Well, mga adults lang pala. Nagpa-iwan kasi ang mga teens para siguro sa party mamaya.

"Aalis na kami, Melanie. Maraming Salamat sa pag-imbita. Happy birthday ulit, Rhea." Sabi ni Tita Elena.

"Kami din ay aalis na. Naku, behave lang kayo mamaya sa party ha? Specially you, Ria. You're only sixteen. No hard liqours for you, baby." Bilin ni Mommy sa akin.

As if I'll leave this party without drinking. Kaya nga ako sasali sa teen's party mamaya para mag-enjoy. Hindi ko na palalampasin ang opportunity na 'to. Hell, no.

Hinalikan ako ni Mommy at Daddy sa noo pagkatapos ay binalingan si Kuya.

"Watch her, okay?" Sabi ni Mommy. Tumango naman si kuya.

Pagkatapos nun ay umalis na sila. Napalingon ako sa paligid at puro mga teens nalang pala ang natitira. Nag-iba naman ang music. From mellow, naging rock music na. Tanging si Tita Melaine at Tito Matthew nalang ang nandito pa na mga adult.

"Enjoy this party. But, know your limitations, okay?"

Lahat kami ay tumango sa sinabi ni Tita Melanie. Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay umalis na sila ni Tito Matthew. Naiwan kaming magpi-pinsan dito sa lamesa.

Unwavering (Montediragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon