Part 38 (Story)
Pagkalabas ko ng banyo ay hindi ko nakita si Luis. I searched for him everywhere and I saw him on the balcony. The white curtains na nagsisilbing harang sa kwarto at balcony ay hinihipan ng hangin. Nakita ko si Luis doon na may kausap sa phone pero hindi naman 'yun nagtagal dahil kaagad nya itong binaba.
Nilingon nya ang banda ko at ng makita nya na nakatayo ako doon ay kaagad syang ngumiti.
"Come." He said.
The balcony is refreshing. Malamig na hangin ang kaagad na sumalubong sa akin pagka-tungtong ko sa balkonahe. Mas lalo lang akong namangha ng makita ko ang isang spring na malawak. Kulay asul ang tubig kaya nakaka-engganyo na maligo doon. May man made na harang din ang ginawa doon para ihiwalay ang malalim na parte ng spring sa mababaw.
Kaagad akong niyakap ni Luis ng makalapit ako sa kaniya.
"You like it here?" He asked.
Tumango ako. "Hindi mo sinabi na may private resort pala kayo. I didn't know about this."
"I bought this place."
Nagulat ako sa sinabi niya. Really? Siya ang bumili ng lugar na 'to? Just, wow! It's a nice place! Hindi naman imposible na mabili niya 'to dahil sa yaman niya ngayon. And this is all because of his hardwork. I can't believe he is this successful right now. Ang akala ko, magf-focus lang siya sa business ng pamilya niya. But I was wrong. He created his own name and look at him now, he has reached his goals. I'm so proud of him.
"Kailangan na nating bumalik sa baba. Baka kung ano na ang isipin ng mga tao mo. We just left there suddenly na para akong may atraso sa'yo." I said.
"You made me do so. Tapos na ang activity nila sa baba. You want to tour around?" Aniya.
Kung tapos naman na pala ang activity ay mas mainam na mamasyal nalang ako dito sa resort. Wala rin naman akong gagawin ngayon e.
"Sure!" Pagtango ko.
Magkahawak kamay kami na bumaba papunta sa kung saan nya ako dalhin. I missed this kind of feeling. I miss his hands intertwined on mine. Kay tagal kong hinintay ang araw na 'to na akala ko ay hindi na dadating. I thought that there wouldn't be any chance na magkabalikan kaming dalawa. I'm always afraid that he has his girlfriend now and he totally forgot about me.
Dinala niya ako sa spring na nakita ko kanina sa balkonahe ng kaniyang kwarto. Hindi ko akalain na ang pinaka-taas na floor sa hotel ng kaniyang resort ay ang sarili nya palang kwarto. Kaya pala ay tahimik doon nung makarating kami.
Umupo kami ni Luis sa isang bato na malapit lang sa tubig. Binabad ko ang aking mga paa doon at dinamdam ang ginaw nito.
"Kailan mo pa ito binili?" Tanong ko.
"Last year." Aniya.
Walang tao ngayon dito sa spring dahil lahat ng mga kasamahan ko sa trabaho ay nasa pool naliligo. Ang tanging nandito lang ay ang tagapangalaga ng tubig sa spring pero kaagad din naman itong nawala ng dumating kami ni Luis.
"You should open this to the public. Sure ako na maraming pupunta dito. This place is amazing!" I exclaimed.
He smiled a bit. "I don't like to."
Tiningnan ko siya at kinunutan ng noo dahil sa sinabi niya.
"Why?" I asked.
"Plano ko na dito tayo magbabakasyon kapag nagkaanak na tayo. This place will only be exclusive for my family."
Pinamulahan ako sa kaniyang sinabi. I can feel my face heated up because of what he said kahit maginaw naman dito sa kinauupuan namin.
"'Yan ay kung papayag ka na bumuo ng pamilya kasama ko."
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
Roman d'amourAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...