Part 10: Spark

459 8 0
                                    

Part 10 (Spark)

Hindi ko alam kung paano ako naka-uwi. All I know is that, kaagad lamang akong sumakay ng tricycle na nakita ko kanina. 'Yung grabeng inis ko kanina ay nabawasan na ngayon. Buti nalang at umalis ako kaagad doon. If not, I'll be suffocated.

"How's your tour?"

Tanong ni Mommy sa akin ng makita ko siya sa sala, nanonood ng tv.

"Fine."

Walang gana kong sabi. Napansin naman niya iyon kaya hininaan niya ang volume ng tv. She directed her stares at me.

"Ayos ka lang ba?"

Tumango ako at umupo sa couch. I breathe heavily and shove some strands of hair covering my face.

"I'm just tired."

Pagod kong sabi. Sumandal ako sa balikat ni Mommy at hindi napigilang maka-idlip.

Nagising ako ng maramdaman ang malamig na sahig na tumama sa kamay ko. Napa-mulat ako ng aking mata. I'm still at the couch and I slept here. Mom is already not with me when I woke up. I checked my wrist watch and it's already five in the afternoon. I can already smell the food my Mom's cooking. Panigurado ay nasa kusina na si Mommy sa ngayon.

"I'm home!"

Napalingon ako sa taong bagong dating. It's Kuya Niel. His hair is kinda disheveled. Nakabukas ang unang tatlong butones ng kaniyang polo. Kampante siyang napa-upo sa pang-isahang couch sa gilid ko.

"Natagalan ka ata." Sabi ko.

Sinandal niya ang kaniyang ulo at braso sa sandalan ng couch. Halatang pagod ito mula sa byahe.

"Madaming requirements na dapat ipasa. I wanna sleep."

Iyon ang huli niyang sinabi bago nakatulog sa couch na ganoon pa rin ang pwesto. Tumayo ako at dumiretso sa kwarto para makapag-bihis. I chose my long sleeve cropped top and shorts. Pagkatapos mag-bihis ay nag-punta ako sa kusina para panoorin si Mommy habang nagluluto.

"Gutom ka na?" Naka-ngiting tanong ni Mommy sa akin.

Tumango ako at nilanghap ang kaniyang niluluto. Nagugutom tuloy ako lalo. I busied myself with my phone while I'm waiting for the food to be serve. May nag-pop na message sa messenger ko. Tiningnan ko ang picture at picture ito ni Dexter Montediragon. Kaagad kong binasa ang kaniyang mensahe sa akin.

Dexter: Huwag mong kakalimutan, Ria. Inuman mamaya sa bahay ni Jeshua. 7 pm. I'll expect you to be there! ;)

Napabuntong-hininga ako. I don't know if I can still go there. Matapos ng nangyari kanina, I highly doubt it.

Pagkalipas ng tatlumpong minuto ay inilapag na ni Mommy ang pagkain sa lamesa na kinauupuan ko. My stomach grumble. Kaagad akong kumuha ng pagkain at kinain ito.

"Niel, halika na. Let's eat."

Kuya growled. Pero, nakita ko naman siyang naglalakad patungo dito sa dining room. His eyes are half opened.

"How was your enrollment, son?" Tanong ni Mommy.

"It was fine but tiring."

Nagpa-tuloy ang pag-uusap namin ng biglang may nag-door bell. Lumingon ako sa pintuan at nagtaka. Are we expecting a visitor tonight?

"Baka si Daddy niyo na 'yun. Wait, i'll open it."

Dali-daling naglakad palabas si Mommy. Baka nga ay si Daddy 'yun. Himala ata na nauna ng uwi si Mommy ngayon. Usually kasi, magkasama silang umuuwi.

After a minute, narinig kong bumukas ang pintuan ng bahay. I heard footsteps coming inside.

"Halika, hijo. Join us."

Unwavering (Montediragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon