Unwavering
Part 33 (Kiss)
I'm currently in the library looking for some good books to read. Vacant ko kasi ngayon ng 1 hour kaya igugugol ko nalang ang oras ko sa pagbabasa.
Ng makuha ko na ang librong hinahanap ko ay binuklat ko iyon sa mga pahina nito habang naglalakad patungo sa upuan ko. I read the front page of the book and it already caught my attention. This is a good reference sa ginagawa kong blog ngayon.
Dahil sa hindi ko tinitingnan ang kung sinong makakasalubong ko ay hindi sinasadyang makabangga ako. My book fell on the ground at muntik na rin akong mapatumba.
"Aw!" I exclaimed dahil tumama ang ulo ko sa kaniyang matigas na dibdib.
"I'm sorry, miss."
Natigilan ako sa pagpulot ng libro ko sa sahig. That voice sounds familiar. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin para makita kung sino ang nakabangga ko at hindi nga ako nagkamali. It's Luis. Bahagya siyang natigilan ng mapagtantong ako iyon.
Gosh. I missed him so much. His deep set eyes, pointed nose, perfect jaw line, clean cut hair and a kissable pink lip. Everything about him I missed. Hindi ko akalain na magkikita kami ngayong araw na ito. Is this really the answer to my question? Am I still not over with him?
"Luis..." mahinang sambit ko.
"Luis!"
Napatingin kami pareho sa babae na kumakaway sa banda namin. She's beautiful. She has thin pink lips, pointed nose, close-set eyes and a long wavy hair. I think may lahi siya dahil na rin sa itsura niya.
Lumapit sa amin ang babae at kaagad siyang yumakap kay Luis. Napatingin ako sa kamay niya na nakapulupot sa baywang ni Luis. Is this the girl that Luis is dating? They look so close.
The girl smiled at me. "Hi! I'm Shizzle. And you are?"
"Azariah..." I said.
Kumunot ang noo niya pagkarinig sa pangalan ko. But she immediately switched her emotions and became lively again.
"S-sige... mauna na ako sa inyo." Sambit ko.
Kaagad akong umalis sa harapan nila at nagpunta sa librarian para hiramin ang libro. Dito ko na sana babasahin ang nakuha kong libro pero nagbago ang isip ko. Maghahanap nalang ako ng ibang lugar para magbasa.
So the rumors were true. They look so happy together at bagay nga sila. Napakagat labi ako. It's okay, Ria. Everything will be fine.
"Oh? Bakit dito ka nagbabasa?"
Umupo si Vincent sa gilid ko at tiningnan ang librong binabasa ko.
"Ayoko lang magbasa sa library." I said.
"Why? Mas mabuti nga doon kasi walang disturbo." He said.
"Meron." Wala sa sarili kong sabi.
"What?"
Kaagad akong umiling at sinara ang librong hawak ko.
Nilingon ko siya. "Vacant mo?"
Tumango siya. "Oo e. And I saw you here kaya pumunta ako dito."
Biglang umihip ang malakas na hangin. A small speck of dust entered my right eye kaya napapikit ako sa sakit.
"Ouch!" I exclaimed.
"What happened to you?" Nag-aalalang tanong ni Vincent.
"Napuwing ata ako." I said.
Nagluluha na ang right eye ko kaya tinanggal ni Vincent ang kamay ko na nakahawak sa mata ko. Nilapit niya ang kaniyang bibig sa mata ko at hinipan ito ng malakas. I blinked several times at nawala na ang sakit sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
RomantizmAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...