Part 11: Game

433 9 0
                                    

Part 11 (Game)

"Let's go."

Napabalik ako sa kasalukuyan ng hilahin niya ako palayo sa mga naghihiyawan niyang mga pinsan. I was still preoccupied by the kiss to the point na hindi na ako pumalag pa.

Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa bahay ko ng ligtas. Shit. Bakit ba ganun ang epekto niya sa akin? His eyes... the sparkle... oh gosh!

"T-thanks."

Nauutal kong sabi ng makababa na ako mula sa kaniyang motorsiklo. Hindi siya bumaba. Nanatili siyang naka-helmet. Dumapo ang tingin niya sa binti ko at kaagad ko namang binaba ang naka-taas kong skirt. Shit. Nakaka-hiya!

Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Hindi siya nag-salita. This silence is bothering me! This is so awkward.

"P-pasok na ako."

Tinuro ko ang bahay at kaagad na tumalikod. Pagka-talikod ko mula sa kaniya ay napapikit ako ng mariin sabay kagat ng labi. Oh gosh. Gusto ko ng kainin na ako ng lupa.

He didn't move. I reached my hand to the gate and when I opened it, he talked.

"I did that because of the dare. Don't be so affected."

Malamig niyang sambit hanggang sa narinig ko ang unti-unting pag-layo ng kaniyang motor. Bigla akong nang-hina. Buti at napa-kapit ako sa gate. Kung hindi, panigurado ay maluluhod na ako sa lupa. What did he say? Don't be so affected? The hell! Right. He did that because of the dare. He fucking did that because of the dare! Fuck it!

Bakit ba ako naggaganito? Hindi naman ako ganito dati sa ibang mga lalaki diba? But why? Shit, Ria. You're insane! You're being unreasonable.

Nag-uunahang tumulo ang luha ko sa aking mata. Marahan ko itong pinunasan at umayos ng tayo. Get your shits together, Ria. Hindi ka ganiyan kahina. If he wants to play, then let him play. Build a trap. You're good at it, remember?

Kinabukasan ay ginugol ko ang oras ko para bumili ng mga school supplies. Kuya Niel is with me at siya ang nagd-drive ng kaniyang sariling sasakyan.

"How was yesterday?"

Biglang tanong ni kuya. Napalingon ako sa kaniya.

"Ayos naman."

Wala sa sarili kong sabi. Kumunot ang noo niya pero hindi na siya nagtanong pa. Pagkarating namin sa mall ay pinarada niya ang kaniyang kotse sa parking lot.

Dumiretso kami sa book store at naghiwalay ng daan. I went directly to the notebook section. Pagkatapos kong mamili ng mga gamit ay dumiretso ako sa mga libro. Hmm? Ano kaya ang magandang basahin? Marami din kasi ang mga libro ko doon sa book shelf ng kwarto ko. They're already there when we arrived from Manila.

I brought some books and went to the cashier. Pagkatapos kong mag-bayad ay lumabas na ako sa book store. My stomach suddenly grumble. Nagugutom na ako. It's already twelve noon. Asa'n na ba si Kuya? Hindi pa siya lumalabas mula sa book store. Ang mas mabuti pa, kumain na muna ako.

I texted Kuya that I'll eat. Hindi siya nag-reply ngunit dumiretso na ako sa isang fast food chain sa loob ng mall. The seats are already full. Wala na akong mauupuan pa. Ugh. I'm so lucky. Note the sarcasm.

"Ria, here!"

Rinig kong sigaw ng babae sa akin sa hindi kalayuan. Her voice is familliar. Ng lumingon ako ay nakita ko si Rhea sa isang upuan malapit sa akin. She's with Addy. Great! Buti at nandito sila.

I went to their table and smiled brightly.

"Buying school supplies?" Tanong ko sa kanila.

Tumango si Addy habang kumakain.

Unwavering (Montediragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon