Part 25 (What If?)
Habang nagkukwentuhan ang mga magulang namin sa labas na may dala-dalang mga pagkain at inumin ay nandito naman kaming mga teenagers sa may pool area. No alcoholic beverages policy for me. Only wine and it's kind of boring. Siyempre, mas sanay ako na umiinom kasi hobby ko na 'yun nung nasa Manila pa ako. But with Luis by my side, ayos lang na hindi ako uminom. He practiced me to not drink alcohol because I'm still 17. Hello! Malapit na akong mag-18 and I'm waiting for that day to come. Say Hi to freedom!
"Want wine?" Tanong ni Luis.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kinuha ko ang glass of wine na binigay nya sa akin at uminom.
"The wine tastes good." Sambit nya.
"But gin and whisky still taste wonderful." Sabi ko na ikinunot ng noo nya.
"No alcoholic drinks for you, right? You're still young."
I pouted. "Ikaw din naman ah?"
"But I'm not a lady."
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya. Alam ko naman na sya ang mananalo sa aming dalawa. Fine, I'll stop myself from drinking for now.
"Akala ko sabay kayong magpipinsan na mag-celebrate ng Christmas Eve?" Tanong ko.
"We're doing it separately now. Pero mamaya, magba-bonding kami. Wanna join us?"
Umiling ako. Ayoko namang magpaka-selfish. Gusto kong ibigay kay Luis ang oras para sa pamilya nya. And besides, gusto ko ring makasama ang pamilya ko for now.
"I'll miss you then." Sabi nya.
Humilig ako sa balikat ni Luis at humikab. I looked at the time on my phone and it's already 1 am. Kaya pala inaantok na ako.
Luis gently brushed my hair as he hums a song that's familiar. Beautiful in white, my favorite wedding song. While he hums, the darkness is slowly eating me until I can't hear a thing.
Napamulat ako ng aking mata dahil sa tunog ng alarm clock ko. Kumunot ang noo ko ng makitang naka-set ito sa 1 pm na oras. Hindi naman ako nagse-set ng ganitong mga oras ah? Who did this?
As if on cue, may biglang nag-text sa akin. Inabot ko ang aking cellphone katabi lang ng alarm clock sa aking study table. A message from Luis made my afternoon.
Luis: Good afternoon, baby. I set the alarm clock on 1 pm. Alam ko kasi na magigising ka ng late sa hapon. Eat your lunch already. 'Wag kang magpapagutom. I love you. :*
Napangiti ako sa kaniyang mensahe para sa akin. He's always sweet and I can't deny the fact that I'm still continuing on falling harder for him.
Umalis ako mula sa pagkaka-upo sa kama at nag-punta ng banyo para maligo. I'm still sleepy pero ng dahil sa message ni Luis sa akin ay nagising ang buong diwa ko. Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na ako papunta sa kusina para kumain.
I can hear the sound of plates on the dining room and voices that are talking. Pagkadating ko sa kusina ay nakita ko sina Mommy, Daddy at Kuya Niel na naka-upo na sa lamesa habang kumakain.
"Oh, anak. Gising ka na pala. Hindi ka na namin ginising dahil alam kong pagod ka. Halika, kumain ka na."
Umupo ako sa tabi ni Kuya Niel at kumuha ng pinggan at pagkain.
"Sino'ng naghatid sa akin sa kwarto kaninang madaling araw, Ma?" Tanong ko.
"Si Luis. Nakatulog ka daw sa balikat nya kaya hinatid ka na nya sa kwarto mo."
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
RomansAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...