Part 9: Sorry

459 9 0
                                    

Part 9 (Sorry)

Hindi ko alam na ganito pala sila ka-sikat dito sa school na 'to. Fangirls are scattered everywhere. Cheers from the crowd enveloped my ears as they started to sing. The song is familiar. Stranger by Secondhand Serenade. Just my type of song.

My stare is focused on the man infront holding a drum stick and head banging according to the beat of the song. He's serious and yet he seems enjoying what he is doing. Nakita ko rin ang vocalist na panay ang tingin sa may gilid ng stage. Sinundan ko ang kaniyang tingin at may nakitang babae na naka-dress. The girl seems formal at pino kung kumilos. Every move she makes seem calculated. She is also pretty. Like she belongs to a royal family. Naka-bun ang kaniyang buhok at may kaonting naka-lugay na strands ng kaniyang buhok sa gilid ng kaniyang mukha. May kausap ito at hindi namalayan ang pag-titig sa kaniya ng vocalist ng banda.

Nag-text sa akin si Ate Heather na nasa airport na daw siya. I said goodbye to her for the last time. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako naka-tutok sa cellphone ko kaya hindi ko napansin na tapos na sila sa pag-tugtog.

"Ria, hali ka!"

Sabi ni Rhea sa akin sabay hila sa akin palapit sa Banda de Corintos. Nagpumiglas ako. I made excuses para makawala pero hindi iyon bumenta sa kaniya. I said I wanted to go home but she said, sabay na daw kami kasi kukunin siya ng driver nila. Okay, I give up! She won't stop until I will be the one to give up. Fudge.

"Hi!" Bati niya sa kanila.

Nginitian at kinawayan naman siya nila habang nag-aayos ng kanilang mga instrumento.

"Babe."

Rinig kong sabi ng isang babae sa lalaking may hawak sa electric guitar. The boy kissed the girl's forehead as soon as makalapit sa kaniya ang babae. Girlfriend niya siguro.

"Pare, mauna na ako. May pupuntahan lang."

Paalam ng lalaking vocalist sa kabanda niya. Ngumisi ang isa sa kaniyang kasama.

"Sino'ng pupuntahan mo?" Naka-ngiting tanong ng lalaki sa kaniya.

The boy smiled widely his eyes sparkling. "Someone important."

Nag-kantsawan naman silang lahat at tinapik pa sa balikat ang vocalist ng banda.

"Iba ka na talaga, pare." Sabi ng guitarist sabay iling at ngisi.

Umiling lang ang vocalist habang naka-ngiti. Ng makita niya kami ay bumati siya kay Rhea sabay baling sa akin.

"The new girl, right?"

Tanong niya sa akin. Tumango ako. Kaagad bang kumakalat ang balita sa lugar na ito? Bakit alam nila kaagad na bago ako dito? Tumawa siya at naglahad ng kamay sa akin.

"Hey neighbor! I'm Jeshua. You are?"

"Ria. Azariah."

Sabi ko at inabot ang kaniyang kamay para makipag-kamay dito. Kumunot ang noo ko. Neighbor? Kaagad din naman niyang napansin ang ekspresyon ko kaya ngumisi siya.

"Taga Hacienda Valencia ako. I'm a Montediragon." Sabi niya.

Dahan-dahan akong tumango. Kaya pala alam niya na bago ako.

"I have to go. Bye."

Sabi ni Jeshua sabay alis. Pansin ko ang titig ng mga natitirang ka-banda ni Jeshua sa akin kaya napayuko ako. I'm not conscious. I'm used to stares. Pero bakit ganito? Ni hindi ko magawang tingnan ang kaibigan ni Luis at pati siya. What the hell is happening to me?!

"Guys! Meet my cousin. Azariah, these are the Banda de Corintos members. Dexter Montediragon," turo niya sa lalaking guitarist. Nakipag-kamay siya sa akin at ngumiti. "Tristan Montediragon," turo niya sa lalaking electric guitarist na nilapitan ng kaniyang girlfriend kanina. Kumaway siya at ganun din ako. "Theresse Monteverde, Tristan's girlfriend." Turo niya sa nag-iisang babae na naka-kapit sa braso ni Tristan. Kumaway siya sa akin at ngumiti ng malawak. Ganun din ako sa kaniya. "And ofcourse, kilala mo na siya. Luis Harold Montediragon." Turo niya kay Luis.

Unwavering (Montediragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon