Part 19: Glances

434 3 0
                                    

Part 19 (Glances)

Dito natulog si Ate Heather sa kwarto ko. I requested it kahit na may sarili naman syang kwarto dito sa bahay. I just missed her and I feel like I have to tell her everything that happened in the past few weeks na wala sya dito.

"You really missed me that much, huh?" She then smiled at me.

"Ofcourse! Bakit? Hindi mo ako na-miss?"

Nag-panggap ako na nagtatampo. I even pursed my lips. Tumawa sya ng malakas kaya napangiti rin ako.

"I missed you, ofcourse!"

Napatigil siya sa pagsasalita at tiningnan ako ng may nakakalokong tingin.

"You have some fishy news right? Hmm?" Tinaas-baba nya pa ang kaniyang kilay dahilan para matawa nalang ako.

"Kilala mo na talaga ako, Ate."

"So? What's the news?"

Umupo siya sa kama at tumabi sa akin para makinig sa iku-kuwento ko. I giggled and positioned myself. Sumandal ako sa headboard ng kama at niyakap ang kulay pink ko na unan.

"May kinaiinisan akong tao dito sa hacienda Valencia." Panimula ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Why? Inaway ka ba niya? Who's that girl?"

Napa-iling ako dahil sa reaksyon ni Ate Heather. "It's not a girl."

Napatigil siya sa sinabi ko. Nagtataka siguro siya kung bakit hindi babae ang kinaiinisan ko dito. Kasi usually naman, ang nag-aaway ay girl to girl.

"Really? A boy? Bakit? Kinukulit ka ba? Naku! Be careful. Lalo na't maganda ka. Baka maging obsess 'yun sa 'yo. Kailangan mo na pala talagang magkulong dito sa bahay. Baka kung ano'ng gawin ng lalaking 'yan sa'yo."

Halos matawa ako sa sinabi ni Ate. She's really serious habang sinasabi niya 'yun.

"No, no. That's not what you think."

"Eh, ano?" Kunot noo niyang sabi.

"He hated me. He hated the way I act and dress. He hated everything about me. I hated him too."

My mind wandered to the first time we met. Pinagsalitaan nya ako ng mga masasakit na salita na ikinagalit ko. Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa kaniya ng ganito ngayon.

"So, you like him? Sabi nga nila, the more you hate, the more you love."

Tumawa ako at bahagyang tumango.

"Parang ganun na nga."

"Gusto ka rin ba niya?" Tanong niya.

Napayuko ako. I don't know either. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi niya sa 'kin kanina. Hindi ko alam kung parte pa rin ba iyon ng larong nilalaro namin.

"He like me. Yes, he said that to me. Pero hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi niya."

Napalingon ako kay Ate Heather at tiningnan siya sa mata. Naguguluhan na ako.

"Ang alam ko, may gusto sya kay Rhea. Bago pa man ako dumating ay nauna na si Rhea sa kaniyang puso. Me and Rhea are a total opposite. Sinabi na nga nya nung una diba? Na ayaw niya sa mga babaeng katulad ko."

Realization hit me. Ang sakit pala isipin 'yun. Napayuko ako at bumuntong hininga.

"Rhea? Your cousin?"

Tumango ako. Naramdaman ko nalang na tinapik niya ako sa balikat. Napalingon ako sa kaniya.

"Ang maipapayo ko lang sa'yo ay huwag ka na munang padalos-dalos sa mga desisyon mo. I don't know the whole story but I'm hoping that the boy likes you truly. Hindi ka naman mahirap mahalin e. Remember, everything needs perfect timing and effort."

Unwavering (Montediragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon