Part 8: Banda de Corintos

511 7 0
                                    

Part 8 (Banda de Corintos)

Pagkarating ko sa bahay ay tulog na ang lahat. Patay na ang lahat ng ilaw at tanging sa kwarto ko lang ang may naka-bukas na ilaw.

Pa-ekis ekis ang lakad ko patungo sa kwarto. Muntik pa nga akong mapasubsob sa hagdanan e. Buti nalang at tulog na sina Mommy. Ayokong nakikita nila ako sa sitwasyon ko ngayon.

Safe naman akong nakarating sa kwarto. Diretso ang higa ko at walang gana para mag-bihis. Napahilamos ako sa mukha ko. Shit. Bakit iyon nangyari?

Bigla kong naalala ang nangyaring halikan naming dalawa. Fudge. Nakakainis! Wala lang 'yun, okay? Lasing ka lang, Ria. Kaya hindi mo kaagad namalayan na si Luis pala 'yun.

Atsaka, sanay naman na akong may kahalikan. Tama, sanay na ako.

Napahawak ako sa aking labi. I can still clearly remember  the feeling of his lips touch mine. Addicting. Pinilig ko ang ulo ko. Ano ba 'yang iniisip mo, Ria? Stop it, will you? Lasing ka lang kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip mo.

Napangiwi ako ng maramdaman ang pagsakit ng ulo ko. Pinilit kong tumayo at halos mabulag ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Ano'ng oras na ba?

Tiningnan ko ang alarm clock ko at nakitang alas nuwebe na ng umaga. Ang tagal ko palang nagising.

Naghilamos na ako para mahimasmasan ang sarili at tinali ang buhok. Pag-punta ko ng kusina ay kumpleto sila lahat. Sabado nga pala ngayon. Walang trabaho sina Mommy.

"Oh? Anak. Just in time. Kakain na." Sabi ni Mommy sabay lapag ng bowl of soup sa gitna ng lamesa.

Umupo naman ako sa tabi ni Ate Heather at nakita si Kuya na sabog. Tss. Uminom 'to ng marami kagabi, panigurado.

"Iyang Kuya mo, hindi ka binantayan kagabi. Maglasing ba naman. Ayan tuloy napala niya. Sumakit ang ulo." Pangaral ni Mommy kay Kuya na ngayon ay hinigop na ang soup.

"Ayos lang naman po ako, Mommy. Kasama ko naman sina Rhea." Sabi ko.

"Hindi na kita nakita kagabi. Nauna ka ng umuwi?" Tanong ni Ate Heather sa akin. Tumango ako.

"Inaantok na rin kasi ako."

Makahulugang tingin ang kaniyang ipinukol sa akin. Hindi naman iyon napansin nina Mommy dahil busy na rin sila sa pag-uusap.

"I saw you drink." Bulong niya sa akin.

Napangiwi ako ng tumama ang init ng soup sa labi ko. Halos murahin ko ang kutsara dahil dito.

"Five bottles pa talaga."

Pinanliitan niya ako ng mata. Kumalabog naman ang dibdib ko. Nakita niya ba ang nangyari sa amin ni Luis?

"F-five bottles lang naman 'yun."

Nauutal kong sabi habang hindi makatingin sa kaniya. Napa-iling nalang siya at bumuntong hininga. Hindi na niya ako kinausap at nagsimula na lang kumain. Kumain na rin ako at gumaan ang loob ng hindi niya in-open ang topic tungkol sa nangyari sa amin ni Luis. Buti at hindi niya nakita.

Days have passed and today is May 25. Brigada eskwela at enrollment na rin. Doon daw ako sa Bais City National High School mag-aaral. Sasamahan ako nina Mommy sa pag-enroll dahil transferee daw ako at maraming dapat asikasuhin.

"Heather, Niel. Mag-ingat kayo sa pag-punta ng Dumaguete ah? Lalo ka na, Niel. Ikaw ang magda-drive. Careful." Bilin ni Mommy sa kanilang dalawa ni Kuya at Ate Heather.

"I will miss you, Ate." Sabi ko sabay yakap kay Ate Heather.

Ngayon na kasi ang uwi niya doon sa Manila. At sa isang buwan na stay niya dito ay nakakapag-bonding na kami. Kaya nga, mami-miss ko siya.

Unwavering (Montediragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon