Part 34 (Leave)
Pagkarating ko sa apartment namin ni Rhea ay kaagad akong nahiga sa kama ko. Pagkatapos ng nangyari kanina ay dumiretso ako ng uwi. I still have my last class for this afternoon pero pinili ko na umuwi. What happened earlier was a mistake. Hindi ko dapat hinayaan si Luis na halikan ako. Especially now that he has Shizzle. And for Pete's sake! Hindi ako bayarang babae para pagsabihan niya ng ganun. Hindi rin naman ako umaabot sa punto na nahuhubaran na ako. I would only settle for a kiss kapag nagd-dare ang mga kaibigan ko and not more than that. We're still on our right minds while doing our dares.
Biglang tumunog ang phone ko dahil sa isang tawag. I checked the person who's calling and it is Vincent. Sinagot ko kaagad ang tawag.
"Ria, where are you? I was looking for you pero hindi kita mahanap. Are you with Luis now? What did he do to you?"
"Vincent, calm down. Umuwi na ako. And I'm not with Luis. Don't worry about me."
"Are you sure?"
"Yes. So don't worry, I can handle myself."
Narinig ko ang pagbuntong-hinga niya sa kabilang linya.
"Thank goodness! Akala ko kung ano na ang ginawa ng lokong 'yun sa'yo."
"Sorry if I made you worry. Hindi na ako nakapag-paalam sayo na uuwi na ako."
Gawain na kasi namin na sa tuwing tapos na ang klase namin pareho ay sabay kaming umuuwi. That's during MWF dahil sa mga araw na 'yan lang kami sabay natatapos ang klase and today is Friday kaya malamang ay naghintay siya sa akin. I suddenly feel sorry for him. Sana nagpaalam man lang ako sa kaniya. Well, I was preoccupied, okay.
"It's okay. Well, are you free tonight?"
"Yes. Why?"
"Let's have dinner together tonight. My treat. Game?"
Napangiti ako. "Sure."
I took a nap for awhile. It's still five in the afternoon at mamayang seven pa daw niya ako susunduin dito sa apartment.
Nagising ako bandang six thirty ng gabi. Kaagad akong naligo at nagbihis dahil any minute by now, dadating na si Vincent. I know him, maaga yun pumupunta sa dapat na oras ng pagkikita niyo.
I wore a long sleeve loose floral dress skirt at tinernuhan ko ito ng isang sneakers. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking medyo basa na buhok. I put on some light make up and then I'm good.
"Hi!"
Nilingon ko si Rhea na kakarating lang.
"Hey. Natagalan ka ata ngayon." Sabi ko.
"May ginawa pa kaming project, e. Ikaw? May lakad ka?" tanong niya sabay hubad ng kaniyang sapatos na suot.
"Magd-dinner kami ni Vincent. Hindi pala kita masasabayan sa pagkain. If you want you can come with us." Aya ko.
"No thanks. Lalabas din kami ni Tyler mamaya."
"Oh, okay."
Nakarinig kami ng busina sa labas kaya sabay kami ni Rhea na lumingon sa pintuan.
"I think si Vincent na 'yun. Mauna na ako, Rhea. Bye!" I kissed her on the cheeks bago tuluyang lumabas.
Nakita ko naman kaagad ang kotse ni Vincent pagkalabas ko. Lumabas siya sa loob ng kaniyang kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. I smiled.
"Thank you."
Sinara niya ang pinto pagkapasok ko atsaka naglakad papunta sa driver's seat ng kotse.
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
عاطفيةAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...