Part 32 (College)
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. All I know is that I needed some air. Gusto ko munang lumayo para makapag-isip. Ayokong makita ako nina Kuya Niel na umiiyak. Sigurado ako na magtatanong 'yun. I don't think I can answer all their questions right now.
Tumunog ang cellphone ko sa isang tawag. It's from an unknown number. I cleared the lump on my throat and answer the call.
"Hello?"
"Ria! Glad you answered it already. I've been calling you many times!"
"V-vincent?"
"Yes sweetheart."
Namuo ang galit sa buong sistema ko. Kung hindi niya lang sana ginulo ang buhay ko, hindi na sana hahantong sa ganito ngayon.
"You know what? This is your entire fault! Bakit mo pa kasi ako hinanap? That night was just a dare and you take it too seriously!"
Nagsimula na namang mamuo ang mga luha ko.
"Kasalanan na bang magkagusto ngayon?"
I fake a laugh.
"You like me? Sa ganoong kaikli na panahon, gusto mo na ako? Oh come on!"
"Hindi ko nga alam kung bakit kita nagustuhan e. I'm used to girls kissing me and I won't care. But that night. That fucking one night, I was mesmerized by you. I've been eyeing you the entire night and you look carefree. You look beautiful."
Napa-upo ako sa gilid ng kalsada. Hinilamos ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko. This is my fault. Hindi ko inisip ang mga ginagawa ko noon. I thought all boys are just the same. I thought all boys just love pleasure more than strings attached. But Vincent is not that kind of guy. Ni hindi nya rin en-expect na magugustuhan nya ako sa gabing 'yun.
Fuck it, Ria! This is your damn fault!
"I tried hard to forget you. Pero sa tuwing naiisip ko ang gabing 'yun, labis ang saya ko. I've kissed the most beautiful girl I've seen. Dahil doon, palagi na akong nagpupunta sa bar na 'yun na pagmamay-ari niyo pala. But I didn't see you there. Ilang buwan akong pabalik-balik pero ni anino mo ay hindi ko nakita. I asked your friends about you. I asked Jiselle kung nasaan ka na ngayon. And she said you're in Bais right now. That's why labis ang tuwa ko ng malaman na lilipat din kami diyan."
Napakagat labi ako.
"I'm sorry. I'm sorry if I ruined your relationship with your boyfriend. Wala akong plano na paghiwalayin kayo. Ng malaman ko na may boyfriend ka na pala, I tried to flirt with you. But it turns out that you really love him. That's why I stopped. Ang gusto ko nalang sa ngayon ay maging kaibigan ka."
"You didn't send those pictures?" Nagtataka kong tanong.
"What pictures?" He asked.
Nanlaki ang mata ko sa napagtanto. Tita Iza is serious about making me and Luis break up. And now she succeeded. Hiwalay na kami. And I bet she's happy right now. Shit! It hurts so damn much!
"What do you want? Chocolate or Vanilla?"
"Vanilla, please." I said.
Nandito kami ngayon ni Vincent sa mini stop katabi lang ng Silliman University na pinapasukan namin. Nilibre niya ako ng ice cream dahil sobrang pagod ko na raw kaka-aral. Of course, mid-term is fast approaching. Kailangan kong mag-aral.
Months have passed and I'm now in 1st year college. Second semester ko na ngayon sa college kaya todo aral ako. As for Luis. I haven't seen him since noong araw na naghiwalay kami. Muli ko siyang nakita sa first day of school dahil kumanta sila sa gym ng SU pero hindi ako tumuloy sa panonood. Vincent and I became good friends after that call. Nagbibigay siya ng motibo na nanliligaw siya pero ginagawa ko lang biro ang lahat ng sinasabi niya. We're better off as friends I guess. And I still love Luis. But I'm trying to move on from him. Mahirap lang talaga siyang kalimutan.
"You're spacing out again."
Napabalik ako sa kasalukuyan ng nilahad ni Vincent sa akin ang ice cream na binili niya.
"I'm sorry."
Bumuntong hininga siya. "You're still thinking about midterms? Kaya mo naman 'yun e. I have faith in you."
Tinaas baba niya ang kaniyang kilay atsaka ngumiti sa akin. Tinitigan ko siya at napatawa sa ginawa niya.
"Baliw. Alam ko namang magaling ako." I said laughing.
Pagkatapos magpunta sa mini stop ay hinatid ako ni Vincent sa apartment namin ni Rhea dahil gumagabi na rin. We live in the same apartment dahil request niya ito. Siya lang kasi mag-isa dito sa apartment niya at mas better kung nandoon din ako para may kasama siya.
"Thank you for today, Vincent." I said.
"You're always welcome. Alam mo naman na para sa'yo, gagawin ko ang lahat."
Vincent is a nice guy. Mali lang talaga ang inisip ko noong mga panahon na hindi ko pa siya kilala. He's always there when I needed someone to lean on. Nandiyan siya sa mga panahon na gusto ko ng mag-give up sa pag-aaral. Siya ang happy pill ko. Palagi niya akong sinasama sa pamamasyal kung alam niyang sobra kong pinagod ang sarili sa pag-aaral. All in all, he could be a perfect boyfriend material. Kung tutuusin, pwede akong pumayag na ligawan niya ako. But I'm still not over with Luis. I still love him kahit na hindi ko na siya nakikita. Ang unfair naman siguro kung gagawin kong panakip butas si Vincent. He's always been so good to me.
"Vincent..."
Ngumiti siya. "Alam ko. But I'm still willing to wait, Ria. Kahit umabot pa 'yan ng ilang taon, hihintayin kita."
Lumapit siya sa akin at yumuko hanggang sa maabot niya ang pisngi ko. He kissed me on the cheeks.
"Bye!" He waved good bye at wala akong nagawa kung hindi ang matulala.
Kinagabihan ay hindi ako makatulog. Vincent looks so serious when he said that. Hindi ko magawang biro ang kaniyang sinabi kanina. Gumulong ako sa kama at pumikit pero hindi pa rin ako makatulog. Nagfa-flashback sa akin ang paghalik niya sa pisngi ko. This is the first time that he kissed me on the cheeks.
"Having some trouble with sleeping?"
Napahinto ako sa paggulong ng marinig ang sinabi ni Rhea. Nakalimutan ko, double deck nga pala ang higaan namin at nasa baba siya kaya rinig niya ang paggulong-gulong ko.
"I'm sorry. Nagising pa tuloy kita." I said. Umayos ako ng higa at nilagay ang kumot hanggang leeg ko.
"It's okay. Hindi rin ako makatulog e."
Lumingon ako sa gilid ko kahit alam ko namang hindi ko siya makikita. Nag-away na naman ba sila ni Tyler? Napapadalas ata ang away nila these past few days.
"I saw you with Vincent earlier. Hinatid ka pala niya dito." Aniya
"Hmm." Sabi ko sabay tango. Tumitig ako sa kisame.
"Vincent is a good guy." Puna niya.
Bumuntong hininga ako. "I know."
"Alam mo, Ria. Wala namang masama kung mag-try kung alam mong pwede na. Malay mo, kayo talaga? Being stuck in the past won't do you any good. I think it's time for you to let go kung alam mong malabo na. You remain stuck while he continues his life."
Palaging nagkikita sina Rhea at Luis dahil magkatabi lang naman ang building ng Accounting Department at Business Management Department. Hindi sila gaanong nag-uusap pero nakakasalubong daw ni Rhea si Luis minsan sa hallway. Malabo rin na magkita kami ni Luis dahil sobrang layo ng building namin sa building nila. That's why I haven't heard anything about him.
"Talaga bang may iba na siya?" pumiyok ako pagkasabi nun. Parang may kung anong matulis na bagay na tumatama sa dila ko at masakit para sa akin na sabihin ang mga salitang 'yun.
"I don't know. But I heard about him from my block mates. Palagi siyang may kasama na babae at mukhang masaya sila."
A tear escaped from my eyes. He really doesn't love me anymore. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Besides, kasalanan ko naman ang lahat.
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
RomanceAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...