Part 20 (Yes)
Hindi naman kami natagalan sa pag-uwi dahil fifteen minutes lang ang byahe. Katulad nga ng sinabi ko kay Ate Heather kanina ay hininto niya ang sasakyan sa harapan ng bahay nina Rhea.
Kumunot ang noo ko ng may makita akong isang kotse na naka-park din sa harap ng kanilang bahay. Kotse ba nila Rhea 'to? Bakit naman nila ito ipa-park sa labas? Kung gayong pwede naman nila itong i-garahe sa loob ng bahay. Kung sa bagay, baka nandiyan sina Tita at Tito at kagagaling lang nila sa trabaho kaya nasa labas pa ang kanilang kotse.
Kinalas ko ang seatbelt ko at lumabas na sa kotse. Ganun din ang ginawa ni Ate Heather. Ng makalabas na kami sa kotse ay sabay kaming pumasok sa bahay nila. I rang the door bell and after three rings, binuksan ng isang kasambahay nila ang gate.
"Ano po'ng kailangan nila?" Pambungad na tanong sa amin ng kasambahay nila na siguro ay nasa twenties na ang edad.
"Bibisita lang po sana kami kay Rhea."
Pinakita ko sa kaniya ang isang plastic na naglalaman ng mga prutas. Nabili namin ito kanina habang nagba-byahe pauwi.
Ngumiti sa amin ang babae. "Halika, pasok kayo."
Ngumiti kami pabalik sa babae at pumasok na sa loob. Iginaya niya kami papasok sa loob ng bahay nina Rhea. Sumalubong sa amin ang sala ng pamilya Patrocinio na pinaliligiran ng mga frames at medals na marahil ay kay Rhea. May malaki ring family picture na nakasabit sa dingding na nasa itaas ng table na puno rin ng frames at medals.
"Umupo na po muna kayo. Tatawagin ko lang si Ma'am Rhea."
Umiling ako.
"Kami nalang po ang pupunta sa kwarto niya. Baka mabinat pa po 'yun." Sabi ko.
Nakita kong napa-kunot ang noo ng babae.
"Mabinat? Wala namang sakit si Ma'am Rhea ah?"
Pabulong na sambit ng babae sa sarili na narinig ko naman.
"Ano po ulit 'yun?" Nagtataka kong tanong.
I've heard it clearly. Walang sakit si Rhea. Pero bakit ang sabi ni Jaxon, may sakit ang Ate niya?
Umiling lang ang babae atsaka itinago ang pagtataka sa mukha sa pamamagitan ng pag-ngiti.
"Wala po siya sa kwarto niya. Nasa likod bahay po siya. May bisita din kasi siya e."
Ate Heather moved a bit at my side. Marahil ay pati siya ay nagtataka.
Ngumiti ako sa babae. "Sige. Salamat."
Bahagyang yumuko ang babae at umalis na sa harapan namin. Napa-buntong hininga ako.
"I thought Rhea is sick?" Nagtatakang tanong ni Ate Heather.
Nagkibit-balikat ako. "I'm confused either. Basta, ang sabi ni Jaxon sa akin ay may sakit daw si Rhea."
I'm still thankful dahil wala namang sakit si Rhea. Ang pinagtataka ko lang, bakit kinailangang mag-sinungaling ni Jaxon sa amin?
Nagsimula na akong mag-lakad papunta sa likod bahay ng pamilya Patrocinio. Sumunod naman si Ate Heather sa akin at hindi na nagtanong pa.
Habang papalapit ako sa likod bahay ay naaaninag ko na rin si Rhea na tumatawa. Rinig dito sa kinatatayuan namin ang mahinhin niyang tawa ngunit hindi namin naririnig ang pinag-uusapan nila ng kaniyang bisita.
She seems fine. Wala nga siyang sakit. But why Jaxon lied to us?
Bahagya akong ngumiti bago tuluyang lumabas sa bahay nila papunta sa kinaroroonan ni Rhea. When my feet stepped outside, kaagad akong natuod sa kinatatayuan ko. Why... what...
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
RomanceAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...