Sugal...
Kung ang pag-ibig ay isang sugal.... pwes... hindi ko na lang nanaisin ang ma inlove. Dahil based on my experience malas sa buhay ko ang sugal.... ito lang tatay ko ang hanggang ngayon hindi naniniwala na malas sa buhay namin ang sugal.
Sugal pa rin siya ng sugal....
Umaasa sa suwerte kahit naghihirap na kami.
Tong-its dito... tong-its doon....
Mahjong dito .... mahjong doon. .
Jueteng dito .... jueteng doon....
Karera dito... karera don...
Minsan pa nga pumupuslit pa siya sa casino....
Pero ang madalas niyang tambayan eh yung mga underground na sugalan na pinalalakad ng mga gambling Lord at Gang Leaders.
Hindi ko na alam kung ano pang magagawa ko para kay Papa.... ginawa ko na lahat.... pinagsabihan ko na siya, nagrebelde na ako at may mga times na ngang si Lord na ang kumakatok sa kanya (May times na wala na kaming makaing mag-ama dahil ipinang talo niya ang pangkain namin sa sugal).
At dahil sa wala na akong magawa sa kanya ay gumawa na lang ako ng sarili kong paraan upang mabuhay kaming mag-ama. Nagtapos ako ng 2years auto technician sa Tesda para makapagtrabaho ako agad... isinantabi ko na muna ang dream kong maging mechanical engineer saka na lang yun. pag-uupuan ko na lang ang pang-engineer ko.
Kaya after two years sa vocational at nagmekaniko na agad ako sa Mechanical shop ng kaibigan ko.
Doble sipag ako sa trabaho... kailangan eh .. yung 1/4 kasi ng sahod ko sa pang-araw araw na expenses namin ni Papa, yung isang 1/4 savings para sa Mechanical Engineer dream ko at the rest pambayad sa sangkatutak na utang ni Papa. Ang daming utang ni Papa at dahil yun sa bwisit sa sugal na yan..... nangungutang na siya para sa pinapangarap niyang swerte ang hindi niya napapansin sobrang gipit na kami.
"Beto, ikaw na ang bahala rito ha. Uuwi ako ng maaga ngayon, anniv namin ni Misis eh." ang paalam sa akin ng isa sa kasamahan kong mekaniko na si Gibo. Ka-age ko lang si Gibo maaga lang nag-asawa ang loko.
"Sige Brad, enjoy lang kayo."
"Ano ba yan Brad. OT ka na naman niyan baka di ka na magkagirlfriend niyan."
Ngumiti lang ako kay Gibo.
"Don't worry Brad. Wala naman akong balak magkagirlfriend."
ang sabi ko sa kanya, "Sagad na ang pera ko para sa aming nag-ama dagdag problema pa ang babae."
"Ganon? Eh paano kapag na inlove ka?"
"Napipigilan naman yun Brad eh... kung gagamitin mo ang utak mo."
Napabuntong hininga si Gibo sa prinsipyo ko sa buhay, "Bahala ka nga Brad.... masarap gamitin ang puso Brad... nanghihinayang ako at wala kang balak maranasan yun. Sige na nga mauna na nga ako at hinihintay na ako ni misis." at tuluyan na siyang umalis ng talyer.
Tinodo ko ang overtime dahil nga umuwi ng maaga si Gibo. Nakayari ko ng tatlong sasakyan sa talyer kaya alas dose pasado na rin ako nakauwi.
Pagbukas ko ng pintuan ng bahay namin ay laking gulat nang makitang sobrang gulo ng bahay namin... nakabagsak ang mga silya.... nabasag ang mga pinggan ... parang dinaanan ba ni Bagyong Yolanda ang bahay namin.
"Papa?" hinanap ko si Papa pero wala siya sa bahay.
Bigla na lang akong kinabahan...
May masama bang nangyari sa Tatay ko....
Kahit naiinis ako sa kanya ay nanaig pa rin sa akin ang pagiging anak.... yung nagwoworry kapag nakakaramdam siya ng di magandang nangyayari sa magulang niya.
Tinawagan ko ang celphone niya at nagulat ako nang magring ito....
Nagring sa loob ng bahay namin, naiwan ni Papa ang celphone niya! Pambihira! Papa nasaan ka naaaa!
Nagulat ako nang may bumisina sa tapat ng bahay namin at sumunod ay may narinig akong iyak.
"Si Papa!"
Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Papa.... nakahalandusay sa labas.... magulo ang damit .... at puro bugbog.
"Papa. . anong nangyari sayo?! Sinong gumawa nito sayo!"
BINABASA MO ANG
My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENT
RomanceHanda ka bang maging girlfriend ang isang gangster princess sa loob ng 120 days?