2

1.9K 36 2
                                    

Lumang gusali....

Pumasok ako sa Lumang gusali na iyon kung saan sinalubong ako ng mga lalaking malalaki ang katawan, armado at mukhang papatayin ka ng buhay.

"Sino ka?!" welcome greeting nila sa akin.

Sa totoo lang kinakabahan ako, pero sa tuwing naiisip ko ang ginaw nila sa tatay ko ay nanggigil ako sa galit.

"Gusto kong makausap si Boss Grego. Ako si Beto.... anak ni Bennie."

Simpleng tumawa ang dalawang goons sa akin.. . mga hayop na ito... naliliitan sila sa akin! (kahit totoo naman)

"Ito pala yung anak ni Duwag eh. Kanina ka pa nga hinihintay ni Boss." at saka nila ako sinamahang pumasok sa gusaling un.

Sa pagsara ng mga goons ng pintuan ay narinig ko na ang malaki at nakakatakot na boses ng lalaking yun.

"Bilis-bilisan niyong trabahuhin yan... wag niyong palampasin yan!" ang narinig kong pagsigaw niya sa mga tao niya.

Napaatras ako.... bigla akong nabalutan ng takot.

"Bata naduduwag ka rin ba tulad ng tatay mo."

Kahit takot na takot na ako ay napailing ako, "Hindi!"

Nagulat ako nang magring ang phone niya, "Hello Baby?"

Parang gusto kong matawa... bigla naging sweet ang boses ng Mokong na iyon... wala pala siya sa chicks nya eh! Under de saya siguro ito! Tsk tsk tsk.

"Sige Baby.. may kakausapin lang ako ha tapos uuwi na ako promise, o wag ng magtampo ang baby ko ganito ba lang may gusto ka bang pasalubong? Okey... bibilin ko yan.... I love you Baby."

"Huh sweet ng Boss niyo ha." ang sabi ko.

"Bossing andito na po ang anak ni Duwag!"

Huh... akala mo yung Boss nila hindi duwag. Duwag sa chick niya.

"Ikaw ba si Beto?"

Malaking lalaki si Boss Grego, may bigote ito, malaki ang tiyan , may suot na suspender at humihithit ng tabacco.

Nakakatakot siya kung nakakatakot pero natatawa ang isipan ko nasa kabila ng kalakihan niya ay isa siyang under kay kumander.

"Ikaw ba yung Beto?"

"Opo."

Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa at inikutan pa niya ako.

"Hindi ka naman pala ganon kaguwapuhan sa personal pero sige pwede na."

Ano ba ito? Bakit may usapang guwapo? Audition ba ito sa pag-aartista?

"Anong pwede na?"

"Hah, yung duwag mong tatay.. ang yabang niya, sabi niya kaya mo raw gawin yung ipapagawa ko sayo kapalit non ay ang 240,000 pesos na inutang niya sa akin sa pasugalan."

Napayuko ako. Ganon na ba ka-adik ang tatay ko sa sugal para ibenta niya ako sa lalaking ito. Naiiyak na ako. .. ang sakit non.... di talaga ako mahal ng tatay ko.

Pero kailangan kong magpakatatag. .. gang leader ang kaharap ko kaya dapat ipakita ko sa kanya na hindi ako mahina

Bumuntong hininga ako, "Ano bang napag-usapan niyo ng tatay ko?"

"Sabi niya mababayaran naman niya yung p240000 na utang niya sa akin."

Ano! Paano ko babayaran yun?! Sagad na nga yung pera ko eh!

"Ang sabi niya kayang-kaya mo raw bayaran yun."

"Boss, mekaniko lang po ako sa isang maliit na talyer at kahit anong gawin niyo sa akin ay di ko po kayang bayaran yan."

"Beto, iho, don't worry, hindi mo naman yan babayaran agad. Actually bibigyan kita ng 120 days upang mabayaran ang utang ng tatay mo."

"120 days! Apat na buwan! Boss magiging honest po ako sa inyo... hindi ko po talaga kayang bayaran yan."

"Teka iho... alam ko naman yan eh... magtratrabaho ka naman sa akin para mabayaran yun."

Trabaho! Ano yun magiging member ako ng gang niya at magiging goon dun.

"Sir nakita niyo naman, hindi po kalakihan ang katawan ko katulad ng mga galamay niyo. Hindi ko po kayang gawin yung ginagawa nila."

Nagtawanan ng malakas si Boss pati na rin ang mga galamay niya, "Anong akala mo sa akin, baliw para kunin kang galamay ko? " natigilan na siya sa pagtawa at tinignan ako ng diretso "Mas importante pa sa pagiging galamay ko ang ipagagawa ko sayo."

Kinabahan ako.

"Gusto ko...." at saka niya ako itunuro, "Gusto kong maging boyfriend ka ng anak ko sa loob ng 120 days."

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon