24

757 14 0
                                    

"Gawin niyo lang kung ano kaya!"

Binaba ni Boss ang phone niya at napalingon siya sa akin , "Kanina ka pa ba riyan?"

"Hindi naman po. Natutulog na po si Star, magpapahanda lang po ako ng pagkain sa kusina para sa kanya."

"Beto." sabi ni Boss , "Salamat sa pag-aalaga kay Star. Alam ko napipilitan ka lang gawin ito dahil ginigipit kita pero salamat talaga."

"Boss, sabihin nating may mga times na napipilitan ko lang gawin yung ipinag-uutos niyo sa akin pero nanaig pa rin po sa akin yung pagkakaibigan namin ni Star. Yung ito po, yung pagmamalasakit ko po sa kanya totoo po ito. Saka napakabait po ni Star, napaka-unique niyang tao kaya talagang deserve niya na arugain ng ibang tao."

"Nagpapasalamat ako dahil kahit papano totoo ang concern mo sa anak ko."

"Boss hindi po kahit papano yun... concern po talaga ako sa anak niyo." natigilan ako parang may gusto pa akong sabihin pero hirap akong.... aminin?

Aminin sa sarili ko na hindi lang ang pagiging concern ko kay Star ang totoo.... kundi lahat.... pati na rin ang pagtibok ng puso ko.

Lahat ng pick up lines....

Lahat ng pambobola..

Ang mga halik....

Ang mga hawak ng kamay....

Ang mga pagtitig ko sa kanya ...

Pati na rin ang pagsasabi ko ng I love you sa kanya....

Lahat yun nagagawa ko hindi dahil sa pera dahil yun ang totoo.

Napalunok ako. Sabi ko non sa sarili ko. . hindi ko na kayang magmahal pa pero ano ito ngayon? Lumalapit ba ako sa problema? Sa sugal?

Ayokong maging katulad ng Tatay ko...

Ayokong ma-adik at ma-hook sa sugal na ito.

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon