4.

1.5K 28 3
                                    

Star....

Napanganga ako pagkakita ko sa kanya....

At siya rin....

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin.

"Beto? Anong ginagawa mo rito?" ang tanong niya sa akin.

Na speechless ako...  na mental block.... nakalimutan ko na yung nimemorize ko na script na gawa ni Boss.

Tumingin ako kay Boss... nanlilisik ang mga mata niya... parang sinasabi niya na... Putres kang bata ka magsalita ka, nasaan na yung script na pinakabisa ko sayo!

"Am ... Hi Star. H-happy Birthday." at saka ko inabot ang bulaklak at chocolates na dala ko.

Ngumiti naman siya pero may gulat pa rin sa mukha niya parang di siya makapaniwala na andito na ko sa harapan niya.

"Totoo ba ito? Seryoso ito." tumingin siya sa tatay niya ,"Papa is this your plan?"

Nagkibit balikat kuno si Boss, "Hindi Star, sinadya talaga kita rito para ibigay sayo yung mga yan."

"Are you sure? Wala bang nagpilit sayo, pumuwersa, tinakot ka ba para gawin mo ito." at tumingin muli siya sa Tatay niya. Huh, hindi naman pala uto-uto si Star.... hindi siya maloloko ng tatay niya.

"Hindi Star, gusto talaga kitang makita, makasama ka kasi ang totoo niyan. Star miss na miss na kita."

"Wow."

"Gusto kong makasama ka ulit."

Napakunot siya ng noo at nilingon uli ang tatay niya ,"Hindi ba yan scripted?"

"Star " sabay hawak sa kamay niya sabi sa script, "Sa maniwala't ka sa hindi hinanap kita. Niresearch kita sa facebook, nagtanung tanong sa mga kakilala ko kung nasaan ka. Star, ayoko ng malayo sayo, hindi na ako papayag kaya sana bigyan mo ako ng pagkakataon para maipakita at mapadama ko sayo kung gaano kita kamahal."

Napabuntong hininga si Star at nilingon muli ang tatay niya.

"Star, Baby ko, nakakatuwa naman pala itong kaibigan mo eh. Wagas ang pagmamahal niya sayo.Bigyan mo ng chance yung tao, I want you to be happy. Saka don't worry anak kung sakaling niloloko ka lang ng lalaking yan... lagot yan sa akin."

Ano nga bang sasabihin ko? Nabasa ko nga sa script yung dialogue na yan, "Hindi po ako natatakot sa inyo dahil ang kinakatakot po talaga ay yung hindi ko masabi ang tunay na nararamdaman ko kay Star.' shoot! galing talaga kung sino man ang sumulat ng dialogue na ito.... pang pelikula....

"Naguguluhan ako. I'm sorry Beto pero I think I need some space, naguguluhan talaga ako." saka niya tinawag ang Yaya niya at pumanhik ng kuwarto niya.

Hindi ko naman masisi si Star... nakakabigla naman talaga ang ginawa para lang akong isang nilalang na lumabas sa magic box tapos niyaya ko na siyang maging girlfriend ko. Para nga naman akong sira non.... Kasalanan ito nila Boss.... tanga yung writer niya... madaling madali kasi... atat na magkaboyfriend ang anak niya.

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon