Ang ganda ...
"Bolahin mo lelang mo." ang sabi ni Star.
"Andito na po tayo sa Siete Picados."
Huminto ang bangka sa gitna ng mga islets. Sinuot ni Star ang life vest niya at pang snorkeling dala-dala ang kanyang underwater camera ay bigla siyang tumalon dito.
"Hoy Star iiwan mo ako rito?"
"Isuot mo kaya yung life vest mo at tumalon ka rin dito."
Sinuot ko ang life vest ko at ang pasnorkle.
Nagsimula akong silipin ang ilalim ng tubig.. . ang ganda.
"Sir kapit lang kayo sa lubid ng bangka malakas ang current."
Sa sobrang ganda ng ilalim ng tubig ay hindi ko na napansin ang advise na yun sa akin kaya sa lakas ng current at napabitiw ako sa tubig.
"Oooh.... Star tulong...." unti-unti akong napapalayo sa bangka.
Mabilis na lumapit sa akin si Star at inabot ang kamay niya sa akin. "Kapit ka sa akin."
Hinawakan ko ang kamay ni Star pero imbes na humawak uli ako sa lubid ay kumapit ako sa bewang niya at niyakap siya rito.
"Salamat." ang bulong ko sa kaniya habang nakakapit ako sa bewang niya.
"Beto yung lubid ang kapitan mo... wag ako."
Ngumiti ako kay Star at kumapit sa lubid.
Bumaba kami sa island don upang magtanghalian. Sarap na sarap ako sa inihaw na isda at liempo na inahin sa amin. Naka-kamay pa nga ako eh.
"Sarap ng inihaw. Star, subuan kita. Aaahhh." saka ako kinamay ang isang liempo at isusubo yun sa bibig ni Star.
Napatingin si Star sa kamay ko.... parang hindi alam ang gagawin.
Siguro naguguluhan to... siyempre kamay ko yun... isusubo niya sa bibig niya.. tapos yung kamay kong yun galing din sa bibig ko.
"Subo na Baby ko."
"Beto..."
"Ang sweet naman ni Sir kay Mam." ang comment ng isang bangkero.
Siguro ayaw din ni Star na mapahiya ako kaya binuksan niya ang bibig niya at sinubuan ko siya. Naramdaman ko pa nga ang daplis ng dila niya sa mga daliri ko.
"Uy nadilaan niya ang kamay ko." pabulong na biro ko kay Star, "Galing pa naman to sa bibig ko.... eh di parang nagkiss na rin tayo niyan? Ano masarap ba ang laway ko?"
Tumingin sa akin si Star na parang gustong isuka ang isinubo kong pagkain sa kanya kanina. "Oops. Wag mong subukang iluwa yan kung ayaw mong yung mismong labi ko na ang ipatikim ko sayo."
Agad na nilunok ni Star ang mga kinain niya.
Natatawa lang ako sa reaction niya. Ang cute-cute niya kasing takutin.
"Ang ganda ng view!!!" ang sabi ni Star pagkarating niya sa taas ng island na yun, "Beto bilisan mo naman!"
Demanding! Palibhasa wala kasing dala kaya madaling nakapanik samantalang ako ang taga-bitbit ng Tri-pod at camera niya.
Pagkarating ako sa taas ay agad akong napaupo sa pagod habang siniset up ni Star ang camera niya.
Buti na lang ang ganda ng Kayangan Lake kaya worth naman ang pagod.
"Ang ganda noh." ang sabi niya sa akin.
"Parang ikaw."
"Nambobola ka na naman."
Tumayo ako, papicture naman tayo rito background ang magandang view."
"Nakailan na tayo kanina."
"Eh iba namang view to. Dali na gift mo na sa akin dahil binuhat ko lang naman ang tripod at camera mo papanik dito."
Tinignan ako ni Star.
"Dali na souvenir pic lang."
Sinet up ni Star ang camera niya at saka hinila ako upang magpapic kami sa kayangan Lake.
"Maaga pala ako bukas." ang sabi niya sa akin nang naglalakad kami sa boulevard pabalik ng lodge.
"Bakit saan tayo pupunta?"
"Tayo talaga?"
"Oo naman alangan namang maiwan ako."
"May pupuntahan akong island, ilang hours din ang byahe ron eh tapos don na rin ako muna magsstay. Magtatayo ako ng tent.
"Call ako riyan."
"Tent lang nga ang tutulugan ko ron tapos walang kuryente kundi bonfire lang."
"Eh di mas kailangan kitang samahan."
"Beto naman.... wala ka bang balak akong iwan?"
"Wala..."
BINABASA MO ANG
My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENT
RomanceHanda ka bang maging girlfriend ang isang gangster princess sa loob ng 120 days?