9

1K 19 0
                                    

"... Happy ending."

Ngumiti siya sa akin.

"Ms. Star." lumapit sa amin ang isang volunteer sa amin, "Magprepresent daw po ang mga bata para sa inyo."

Nagpunta kami ni Star sa may classroom ng mga bata at nagsayaw nga sila ng Whoops Kiri.

Tuwang-tuwa si Star sa prinesent ng mga bata sa kanya kahit sobrang simple at minsan nagkakamali pa ng mga steps ang mga ito.

"Miss Star games tayo." ang sabi ng isang cancer patient sa kanya

"Sige ano bang gusto niyong games? Give me?"

"Paper dance!" ang sabay-sabay na sabi ng mga bata.

"Sige."

At saka kumuha ng mga diyaryo ang mga bata at kumuha ng kapareha nila.

"Miss Star sali ka." ang yaya pa ng isang bata sa kanya.

"Naku hindi ako pwede wala akong partner."

"Si Kuya." nagulat ako ng bigla akong tinuro ng isang bata.

Ano bang gagawin ko? Ayoko ngang maglaro ng paper dance.

"Beto... okey lang ba?"

Nagulat ako ng tinanong ako ni Star. Alangan namang tumanggi ako... baka ako ang malagot sa tatay niya noon, "Oo naman."

Saka ako kumuha ng isang diyaryo at nilapag sa sahig.

Sa una madali kasi malaki pa yung diyaryo pero habang tinutupi namin ang diyaryo at lumiliit ito ay wala kaming choice ni Star kundi pagdikitin ang katawan namin at magyakap.

Hindi naman makatingin ng diretso sa akin si Star obvious na conscious ako rin naman... na-awkward.

Hanggang sa tatlong pares na kaming natitira at tanging isang paa na lang ang kasya sa diyaryo.

Huminto ang music agad kong binuhat si Star (na parang bagong kasal) at saka nilagay ang isang paa ko sa diyaryo at itinaas ang isa.

Napatingin sa akin si Star... parang nagulat siya sa ginawa ko... ako rin naman... pero wala akong choice ito talaga ang strategy na naisip ko sa game na ito.

Napatitig kami sa isa't isa....

Tapos hindi ko alam kung bakit parang bumagal ang ikot ng mundo...

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon