37

702 12 0
                                    

Darna!

Tawa ng tawa si Narda este si Star habang pinapanood niya ang kanyang sarili sa TV ng photo studio. Pumapalakpak siya sa husay ng pagkagawa ng Sir Melvin niya sa mini movie na iyon.

Para talaga siyang lumilipad sa ere.. tapos may special participation pa ako sa video na iyon. Kunwari nasa lupa ako at humihingi ng saklolo kay Darna. Bumaba naman sa lupa si Narda at kunwari binuhat ako palipad sa ere... nasa totoong buhay ay sumabit lang din ako sa harness niya.

Napahawak si Star sa magkabilang pisngi niya habang pinapanood ang video, "Grabe nakakatuwa... ang sarap maging superhero."

Napangiti naman ako dahil nakita ko sa mga mata ng nobya ang labis na pagkatuwa sa supresa ko sa kanya.

"Hindi mo na kailangang maging si Darna o lumipad para maging super hero dahil para sa akin... super hero ka na. Super hero ka na rito sa puso ko."

Ngumiti si Star ay niyakap ang bewang ko, "Thanks Beto, thanks for making me so special."

Inakbayan ko siya at saka ko siya hinalikan sa buhok niya, "Mahal kita Star, kaya ka special sa akin."

"Thanks Sir Melvin, thanks guys. Its really a great day for me. " ang sabi ni Star nang magpaalam na kami sa mga tao sa Photo Studio.

"Mam, pagaling ka na ha, para makapagphotoshoot na po kayo uli." Ang sabi ng kanyang sekretarya.

"Sana nga. Miss na miss ko na rin kasing maging photographer." At nakipag-group hug siya sa mga kasama niya.

Pumasok na kami sa kotse at agad siyang napasandal sa upuan niya.

"Happy?"

"Sobra."

"Beto, salamat sa maghapong ito. Ginawa mong posible ang mga bagay na akala ko imposible."

"Para sayo... walang imposible." Ang sagot ko sa kanya.

"Hay..." naghikab siya, "Beto napapagod na ako."

"Eh di matulog ka muna. Ako na ang bahalang gumising sayo mamaya."

Ipinikit ni Star ang mga mata niya at natulog habang nagmamaneho ako upang ihatid siyang pauwi.

"Star ko andito na tayo." Ang sabi ko kay Star nang makarating na kami sa bahay nila, 'Hoy Star, gumising ka na riyan, doon ka na sa taas matulog."

Hindi umiimik si Star sa akin.

Kinilabit ko siya, 'Hoy Star."

Pero wala siyang response.

Biglang akong kinabahan.

Ayaw magising ni Star.

"S-star... star... hoy gumising ka naman oh."

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon