17

833 17 0
                                    

Ang tanong...

"Bakit mo tinatanong sa akin yan?"

Hindi siya sumagot.

"Star... sinakripisyo ko ang trabaho ko sa Maynila para sundan kita rito sa Coron tapos itatanong mo sa akin kung gusto ba kitang makasama?"

Oh... akala niya ba bibigay ako?

"Star siyempre gusto kitang makasama. Gustong-gusto kita makasama... at kahit abutin pa tayong dalawa rito sa isla na ito hanggang next year or forever walang problema sa akin yun kasi kasama kita. Ikaw ang gusto kong makasama hanggang pagtanda ko."

Siguro naman... wala na siyang masasabi sa mga panalong hirit kong yun.

Tumayo siya at ngumiti sa akin, "Sorry na. Halika na kumain na nga lang tayo."

Bahala na nga si Star sa kakapicture sa buong isla basta ako.... kating-kati na akong magswimming kaya naligo ako sa masarap na tubig sa isla na iyon.

"Woohhh! Ang sarap magswimming!"

Tumingin sa akin si Star at kinuhanan ako ng picture.

"Star ayaw mo ba talagang maligo? Maligo ka na hindi naman kita tsatsansingan eh promise."

Natawa lang si Star sa sinabi ko tapos tinignan niya ang araw.

"Magsasunset na." Saka niya inayos ang camera at tripod niya.

Mukhang camera talaga itong babaeng ito.

Nakita ko namang excited talaga siyang kuhanan ang sunset kaya umahon ako sa tubig at nagbalabal ng tuwalya at sinamahan siyang pagmasdan ang sunset.

"This will be my masterpiece."

ang sabi niya.

"Sunset lang pala ang hinabol mo sa isla na ito sana nagManila Bay na lang tayo."

ang sabi ko sa kanya.

"Manahimik ka na nga lang diyan. Iba ang sunset dito. Lumulubog ang araw sa likod nang blue na tubig at maliliit na isla."

Tama naman siya....

Ang ganda naman talaga ng sunset.

"That's magnificent."

Napatitig ako sa kanya.....

Si Star...

Para siyang sunset...

Sa kahit saang lokasyon o pagkakataon mo tignan laging may iba ang ganda niya...

Maganda na siya nong highschool kami... pero hindi ko narealize un.

Maganda siya nong birthday niya....

Maganda siya habang naiiyak siya sa pinapanood naming movie, pero iba naman ang ganda niya nong pinapainit niya ang mga palad ko nong gabing yun.

Iba rin ang ganda niya sa tuwing kailangan niyang pangitiin ang mga bata niyang models sa studio...

Iba rin ang ganda ng mukha niya kapag nasa foundation siya....

Sa araw-araw na magkikita kami.... sa mga oras na magkasama laging may iba siyang kagandahan.... hindi tuloy siya nakakasawang tignan....

para siyang sunset....

"Ikaw din magnificent."

Napatingin siya sa akin...

Ako rin sa kanya....

Hanggang sa di ko na namalayan ay unti-unti ng parang magnet na nilalapit ko na ang mukha ko sa kanya...

at dahan-dahan...

she slowly close her eyes....

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon