41

757 14 0
                                    

Unreachable Star...

Do dream the impossible dream...

Ang sabi ng paboritong kanta ng mga kasamahan ko sa talyer.

Pinapatugtog ang lumang awitin na iyon sa radyo at sabay-sabay nilang sinasabayan.

To fight the unbeatable fall....

Natatawa lang ako kasi feel na feel nilang sabayan ang walang kamatayan na kanta na yun.

This is my quest... to follow that STAR....

Bigla nila akong itinuro sa salitang STAR.

No matter how hopeless ....

No matter how far.....

Medyo nakakarelate nga ako sa kantang ito.

To reach.... the unreachable STAR!!!!

Napailing ako. Pinagtritripan ako ng mga loko.

"Magsiuwian na nga kayo... lalakas ng tama niyo." ang sabi ko sa kanila.

Kinuha nila ang mga gamit nila bilang paghahanda sa pag-uwi.

"Brad... ikaw din umuwi ka na?"

Tinignan ko ang suot kong relos. 6:00 AM pa lang.

"Maaga pa masyado Brad."

"Maaga pa masyado sa Amerika." ang bulyaw ng isa naming kasamahan.

"Oo na. Oo na. Sige magsiuwi na kayo at mag-aaral muna ako."

At sama-samang nag-alisan ang mga kasamahan ko.

"Brad makikigamit ng wifi ha." ang sabi ko sa kaibigan ko na nasa loob ng opisina ng talyer at naglalaro ng dota.

Binuksan ko ang wifi ng celphone ko, umupo sa isang lamesa ron at saka ako naglabas ng mga engineering books na hiniram ko sa library upang mag-aral.

Kring.... Kring....

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Inantok din kasi ako sa kakareview, tinignan ko ang orasan ko.... 12:00 noon.

"Beto!!!" naririnig ko na ang boses ni Star sa skype ng phone ko, "Namiss kita sobra. Pasensya na ha sabi kasi ni Doc kailanga kong magpahinga ng ilang araw saka hinang-hina ako after the theraphy."

"Namiss nga rin kita eh." sabi ko sa kanya, "Kamusta pala ang session mo?" ang tanong ko habang tinitignan ang Skype ko... teka bakit di lumalabas si Star sa video call?

"Mahirap na masakit pa rin."

"Teka Star sira yata yung Skype di kita makita sa screen puro puti lang ang nakikita ko."

Hindi siya nagsalita pero naririnig ko ang buntong hininga niya.

"Star may diperensya ata yung Skype. O baka yung cam mo?"

ang sabi ko pa sa kanya.

"Beto walang sira ang Skype pati na rin ang cam ko." ang sabi niya, "Ako ang may problema. Beto... hindi na ako maganda... ang pangit ko na... baka magbago pa ang isip mo na pakasalan ako kaya wag mo na lang akong tignan."

"Kahit na pangit ka sobrang na-miss kita kaya magpakita sa akin"

Narinig kong umiiyak si Star sa kabilang linya.

"Star gusto kitang makita."

"Beto ayoko."

"Star please."

Huminto siya sa pag-iyak at nakita kong unti-unti niyang tinatapat sa mukha niya ang camera.

Sumobra ang payat ni Star, lumamlam ang mga mata, namumuti ang kanyang mga labi at higit sa lahat tuluyan na siyang nawalan ng buhok.

"Di ba ang pangit ko."

"Oo pangit ka nga."ang sabi ko sa kanya.

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon