34

753 12 0
                                    

Sigurado ka ba sa pinasok mo?

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang naging sagutan namin ni Papa tungkol kay Star.

First session ngayon ng chemo ni Star... sa wakas na papayag na rin namin siya.

"Papa natatakot ako." pagpasok ko sa ward niya ay naabutan ko si Star na umiiyak kasama ang Papa niya.

Pumasok ako sa kuwarto at sinalubong ako ng yakap ni Star.

"Natatakot ako."

Pinunasan ko ang mga luha niya, "Kaya mo yan."

Awang-awa na ako sa kanya. Gusto ko na rin ngang umiyak sa takot para sa kanya pero pinigilan ko dahil gusto kong makita niya na matatag ako.

Madali lang palang sabihin na kaya namin pero kapag malapit na andon pa rin yung takot... bumabalik yung tanong na, kaya ba talaga?

"CR lang ako?" lumabas ako ng ward pero hindi ako nagCR, sumandal lang ako sa pader sa lobby at doon ko inilabas ang luha na tiniis ko sa harapan ni Star.

Kaya ba talaga? Paano kung totoo ang sinabi ni Papa na sa sugal mas malaki ang posibilidad na talo.

Hindi ko alam kung kakayanin kong makita pa ang paghihirap ni Star habang kinichemo kaya bumalik na lang ako sa talyer at nagtrabaho... para na rin makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.

"Sigurado ka bang ayaw mong samahan ang girlfriend mo sa chemo niya?"

Tanong sa akin ni Gibo.

"Akala ko kasi kaya ko.... hindi pala."

"Mahirap naman talaga yang pinasok mo Brad eh, imagine mo ilang araw na lang mawawalan ka na ng girlfriend. Para ka ng na-biyudo non." at napailing si Gibo, "Ano? Makikipaghiwalay ka na?"

Napatingin ako kay Gibo. Nalilito ako... naguguluhan ... parang tinatamaan na yata ako ng mga payo ni Papa sa akin.

"Maiintindihan ka naman siguro ni Star kung iiwanan mo siya. Gusto rin naman nong lumigaya ka."

Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako nang biglang tumunog ang celphone ko at nabasa kong si Star iyon.

Malamang magtatanong yun kung bakit ako biglang nawala kanina after kong mangako sa kanya na sabay kaming lalaban sa buhay.

Ayoko sanang sagutin ang phone ko pero hindi tumitigil sa pagring ito kaya sinagot ko na rin.

"Hello?"

"Beto..." naririnig kong matamlay ang boses niya sa kabilang linya epekto siguro yun ng chemo nya.

"Star katatapos lang ng session mo magpahinga ka muna."

"Gusto ko lang malaman kung bakit ka nawala kanina. Gusto ko pa namang hawakan ang kamay mo..."

Hindi ako makasagot. Ano naman kasing isasagot ko alangan sabihin ko sa kanya na naduwag ako.

"Ayaw mo na ba akong samahan?" at narinig kong umiiyak siya sa kabilang linya.

Napapikit ako. Please Star wag kang umiyak maslalo kong di kakayanin.

"Beto... ang hirap ng chemo... " sabi pa niya, "Gusto ko na ngang sumuko kanina eh."

"B-buti kinaya mo. Kinaya mo naman di ba?"

"Oo. Kasi inisip ko sabi mo kaya ko... na lalaban ako dahil magsasama pa tayo hanggang sa pagtanda natin."

Napasandal ako sa pader ng bahay namin at dahan-dahang napaupo sa sahig.

Umiiyak na ako kaya tinakpan ko na lang ang mouth piece ng celphone ko para di niya marinig ang paghikbi ko.

"Beto? Bakit mo ako iniwan kanina? Sumusuko ka na ba?"

"Star..."

"Beto okey lang sa akin kung sasabihin mong di mo na kaya. Maiintindihan kita."

"Star.... ano kasi....narealize ko kasi na masakit pala kaya.... ayoko na."

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon