Isla...
Medyo malayo rin ang isla na iyon kaya katanghalian na ng makarating kami pero worth naman ang mahabang biyahe dahil sa napakaganda ng isla na yun, napakaputi ng buhangin at ang ganda ng tubig.
"Paano mo na discover ang island na ito?"
"Kaibigan ko ang may-ari. Sabi ko sa kanya gusto kong magstay alone sa isang island kaya inoffee niya ito."
"Ay sorry ha. Hindi natupad yun kasi kasama mo ako."
"Oo nga. Pero wala na akong magagawa kesa naman iwan kitang mag-isa ron sa mainland, kawawa ka naman."
Ngumiti ako, "May concern ka naman pala sa akin."
"Kapal naman kung magsalita ka parang inapi kita ha."
"Joke lang. Naglalambing lang naman ako."
Sinet-up niya ang tripod niya at camera niya.
"Star, swimming naman tayo."
"Magswimming ka na lang mag-isa mo.'
Nakakainis naman may sariling mundo itong kasama ko.
"Star... ayaw mo ba akong makasama?"
Tumingin siya sa akin.
"Anong klaseng tanong yan? Sinama na nga kita rito eh."
Lumapit ako sa kanya at tinulungan siya sa pag-aayos ng tripod.
"Para naman kasing napilitan ka lang eh. Saka para bang gusto mo akong iwan palagi."
"Ano ba yan Beto, ang drama mo naman." parang umiiwas siya sa isyu at nagpunta sa bag kung saan nakalagay ang tent.
"Beto..."
"Oh?"
"Eh ako ba...."
Tinignan ko siya pero nanatili siyang nakaupo at nakatalikod sa akin.
"Eh ako ba? Gusto mo ba talaga akong makasama o napipilitan ko lang?"
Nagulat ako sa tanong niya na yun sa akin.
Natulala ako....
Bakit niya yun tinanong sa akin?
Hindi kaya alam niya ang usapan namin ng tatay niya...
Naiinis kaya siya sa akin dahil aminado siyang ginagamit ko lang siya para mabayaran ang utang ng tatay ko sa tatay niya?
BINABASA MO ANG
My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENT
RomanceHanda ka bang maging girlfriend ang isang gangster princess sa loob ng 120 days?