Ayoko na...
"Star ayoko na...." ang sabi ko, "I'm sorry natakot kasi ako kanina kaya hindi na kita sinamahan. Madali lang pa lang sabihin pero mahirap gawin kapag actual na. Masakit kasi para sa akin na makita kang nasasaktan pero mas masakit pala yung wala ako sa tabi mo sa mga oras na nasasaktan ka. Kaya Star ayoko na kitang iwan uli. Hindi na ako mawawala sa tabi mo. I'm sorry kung naging mahina ako. Patawarin mo ako kung naputol ko yung promise ko sayo na lalaban tayong magkasama."
Umiiyak si Star sa kabilang linya , "Ano ka ba, okey lang yun. Naiintindihan kita."
"Sasamahan na kita sa next chemo mo, hahawakan ko yung mga kamay mo para kahit papano hindi mo maramdam yung sakit." ang sabi ko sa kanya.
Sa pagkakataong ito.... sa mga oras na katait na akong sumuko sa sugal ng pag-ibig ay maslalo ko lang napatunayan sa sarili ko na talagang mahal na mahal ko si Star.
Sobrang mahal na mahal ko siya na gusto ko siyang makasama hindi lang sa pagtanda ko kundi sa panahon din ng hirap at ginhawa.
Nang makabalik na si Star sa bahay nila ay dinalaw ko siya at pinagluto ng mga pagkaing required sa kanya ng doctor katulad ng brown rice at steamed na gulay.
Pumasok ako sa kuwarto niya at dinala sa kanya ang mga pagkain na hinanda namin.
"Kainan na!"
Sinamahan ko siyang kumain at napatingin siya sa mga pagkain na hinanda.
"Hindi masarap."
"Judgemental naman ang Star ng buhay ko. Hindi mo pa naman tinitikman sasabihin mo ng hindi masarap. Sobrang sarap niyan dahil ako ang naghanda niyan."
Kinuha ko ang kutsara't tinidor at kumain din katulad ng kinakain ni Star.
"Sure ka kakainin mo rin yung pagkain ko? Pwede ka namang kumain ng mas masarap."
Umiling ako at saka sumubo ng pagkain, "Simula ngayon lahat ng kakainin mo kakainin ko rin kahit lasang hangin pa yun. Kung kailangan mong magtiis... magtitiis din ako."
"Bakit?"
"Dahil sabay tayong lalaban sa buhay."
Ngumiti siya sa akin at sinabayan niya na akong kumain.
Pagkatapos naming kumain ay ni-review namin yung bucket list notebook niya.
"Ano pa kayang pwede nating gawin dito?"
Napansin kong napasimangot siya habang binabasa ang mga pinagsususulat niya sa notebook na yun.
"Magawa ko pa kaya yun?"
"Yung alin?"
"Yung maging si Darna at si Dyesabel."
"Bakit naman hindi eh kasing ganda mo yung mga yun?" ang sabi ko sa kanya.
"Kasi si Angel Locsin malaki ang boobs, si Marian Rivera at si Anne Curtis... eh ako." at napatingin siya sa dibdib niya, "Tinapyas na ang dibdib ko. Tapos sabi ni Doc maglalagas daw ang buhok ko dahil sa chemo."
"Ganon? Hindi porke't wala kang dibdib hindi ka na pwedeng maging si Darna at Dyesabel." hinawakan ko ang kamay ni Star, "Don't worry. Gagawan natin ng paraan yan. Magiging si Darna ay si Dyesabel ka. Maniwala ka sa akin."
BINABASA MO ANG
My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENT
RomanceHanda ka bang maging girlfriend ang isang gangster princess sa loob ng 120 days?