Mahal mo ba ang anak ko?
Natigilan ako sa tanong na iyon ni Boss Grego at napalingon ako sa kanya.
"Boss noong una sinabi niyo sa akin na sapat na ang apat na buwan para marealize ko na mahal ko ang anak niyo. Pero alam niyo sir, napakabuti at kaiiba ng anak niyo para mapagtanto kong mahal ko siya nang wala pang isang buwan. Pero.... wala na po siyang nararamdaman sa akin."
"At hindi mo lang ba ipapaglalaban ang nararamdaman mo sa anak ko?"
ang sabi niya sa akin.
"Beto.... tulungan mo ako. Tulungan mo ang anak ko. Tulungan mo siyang lumaban sa buhay! Bigyan mo siya ng rason para maging matapang at labanan ang sakit niya."
Naguluhan ako. Gusto ko rin namang tulungan si Star pero anong magagawa ko?
Mahal na mahal ko si Star....
Siya ang gusto kong mapang-asawa...
Siya ang gusto kong maging ina ng mga anak ko ..
at siya ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko...
Tada! Biglang may ideyang pumasok sa utak ko!
"Boss, pwede po ba akong humingi ng pabor?" at saka ko tinignan ang mga goons niyang tauhan na nakapaligid sa amin, "Pwede ko ho bang mahiram itong mga galamay niyo?"
BINABASA MO ANG
My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENT
RomanceHanda ka bang maging girlfriend ang isang gangster princess sa loob ng 120 days?