Tahi...
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Tumapon ang jelly sa sahig at tumambad sa akin hindi ang dibdib niya kundi dalawang malalaking tahi sa harapan niya.
Walang dibdib si Star... walang boobs.... walang breast... kundi tahi.
"Ito ang kinatatakutan kong ipakita sayo." yumuko siya at umiyak ng umiyak.
Tumayo ako, kinuha ko ang kumot at ibinalabal yun kay Star.
Niyakap ko siya nang mahigpit at hinagod ang likod niya.
"I have breast cancer kaya kailangan silang tanggalin... both of them."
Tinignan ko siya at itinaas ang mukha niya sa akin.
"I'm sorry if I failed your expectations about me." ang naiiyak na sabi niya sa akin.
"Wala kang kailangang ipagpasorry."
Umiling si Star "Madami Beto. I know everything."
Napatitig ako sa mukha niya.
"Alam ko kung bakit andito ka. Si Papa, binabayaran ka niya para makasama ako. "
Star... oo may bayad nga ang lahat ng ito... pero gusto talaga kitang makasama.
"Alam ko darating si Papa sa point na ito. Nong birthday ko, nong bigla kang dumating alam ko na.... pakana ito ni Papa. Tapos narinig ko pa kayong nag-uusap sa basement."
"Star sorry."
"Wala kang dapat ipagpasorry dahil naiintindihan kita ginagawa mo ito para sa Tatay mo. Malaki ang utang niya sa Papa ko di ba?" napabuntong hininga si Star, "Nong una, ayoko nito... ayokong patulan ang gimik ni Papa na magsama tayo pero nong narealize ko kung gaano mo kailangang gawin ito ay kinagat ko na lang ang plano niyo."
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Star, "Star ginawa yun ng Papa mo dahil gusto ka niyang maging masaya dahil ganon ka niya kamahal."
Tumango siya, "Alam ko."
Kinuha niya ang notebook sa kama at binuklat ito, "Gusto niyang matupad ang mga nakalista rito."
Binuklat ni Star ang notebook na yun.
"Akala ko matapos nilang tanggalin ang dibdib ko ay matatapos na ang problema ko sa cancer pero hindi pala... sinabi sa amin ng doctor ang kalagayan ko... I'm in stage four of breast cancer tinaningan din niya ako ng 120 days to live."
Nakayukom ako ng palad ko, "Punyetang doktor anong akala niya sa sarili niya Diyos para bigyan ka ng expiration!"
"He just doing his job. Gusto niya akong maging handa sa lahat kaya ginawa ko ang notebook na ito.... ang aking bucket list.
Binasa ko ang unang pahina ng librong iyon.... tatlong araw bago ang kanyang birthday ang date at ang title ay "Bucket list for my last 120 days"
1. Gusto kong makasama ang lalaking mahal ko.
2. Manood ng mga love story movies na may happy ending sa sinehan.
3. Magpasaya at ma-inspire sa mga batang may cancer sa foundation
4. Kumuha ng mga underwater shots.
5. Kumuha ng sunset shots sa isang kaiibang lugar.
6. Mag-overnight ng mag-isa sa isang paradise tapos maligo don ng totally naked.
7. Lumipad!
At marami pang iba!
Lahat yun ginawa nga ni Star!
"And I'm sorry Beto."
Tumingin ako sa kanya, "Nagkamali si Papa."
"Anong mali?"
"Beto, hindi ikaw yung tinutukoy sa number 1 list ko. Hindi ikaw.... ang lalaking mahal ko."
BINABASA MO ANG
My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENT
RomanceHanda ka bang maging girlfriend ang isang gangster princess sa loob ng 120 days?