43

782 13 3
                                    

Welcome Back!!!

Sobrang excited ako sa pagbabalik nila Star kaya maaga akong gumising .... para magpapogi... pambihira nga lang itong si Star binigla ako sa announcement niya eh di sana marami pa sana akong nagawa sa sarili ko... pero okey lang din kasi hindi magiging matagal ang pag-aabang ko.

Kasabay kong nag-aabang airport ang mga galamay ni Boss Grego. Hanga rin naman ako rito sa mga astig na ito. Kahit alam nilang hindi na sila makakapagtrabaho kay Boss at may sari-sarili na silang buhay ay loyal pa rin sila rito.

Ilang sandali pa ay lumapag na ang eroplano nila Star.... lumakas ang kaba sa dibdib ko at inamoy ko ang sarili ko... mabango ba ako? Baka kapag niyakap ko na si Star mabahuan siya sa akin.

Ilang sandali pa ay lumalabas na sa departure area ang isang babaeng nakashades at may hila-hilang cart.

Napa-slow mo ako.... ang ganda niya. Mas gumanda siya kahit parang boyish cut na ang buhok niya.

"Beto!!!" natulala ako nang makita ko siyang palapit sa akin... inalis niya ang suot niyang shades at niyakap ako.

"Beto ko... sobrang na-miss kita."

Na speechless ako....

Ang ganda-ganda niya kasi eh.

Pak!

Nagulat ako ng bigla niya akong sinampal.

"Bakit ayaw mong magsalita? Hindi mo ba ako na-miss?" ang tanong niya sa akin.

"Hindi lang ako makapaniwala na andito ka na eh saka.... napakaganda mo."

Nagblush si Star sa sinabi ko at napahawak sa pisngi niya, "Talaga."

"Tama na nga yang bolahan na yan." ang sabi ni Boss Grego , "Hoy Beto ihatid mo na kami sa bagong bahay namin."

Kung ikukumpara sa mansion nila Boss Grego non ay sobrang layo na ito sa bagong tirahan nila ngayon.

Isa lang itong maliit na apartment.. walang swimming pool.. walang garden... walang malaking garahe at malaking gate. Pero kumpara sa bahay namin... mas maayos naman ito.

"Anak pagpasensyahan mo na itong bahay natin ha. Ito na lang ang kaya ni Papa."

"Papa hindi importante sa akin ang malaking bahay ang importante sa akin kasama kita."

Kahit mahirap basta kasama lang ni Star ang tatay niya.... yun ang first bucket list ni Star.

"Wait Pa... I have promised Beto na sa pagbabalik ko..." Sabay kindat sa akin ni Star, "May gagawin kami."

Kinabahan si Boss Grego sa sinabi ni Star, "Anak hindi ba pwede ikasal muna kayo bago niyo gawin yan?"

"No Papa!" sabay lapit sa akin ni Star, "I have promised Beto at hindi na siya makakapaghintay pa."

"Beto iho, naiintindihan naman kita parehas tayong lalaki at may pangangailangan sa buhay pero.... kung talagang mahal mo ang anak ko dapat matuto kang maghintay ng tamang panahon."

"Pero hindi na po ako makapaghintay." ang sagot ko kay Boss Grego, "Gusto ko na po talaga siyang matikman."

"Beto!" napasigaw sa akin si Boss.

"Yung Kare-kare na ihahanda sa akin ni Star. Gutom na gutom na po kasi ako."

"Kare-kare?"

"Yes Papa. Magpapasama lang sana ako kay Beto sa grocery para bumili ng ingredients."

Napahinga ng maluwag si Boss... hahaha.... dirty mind kasi.

"Sige, humayo kayo at magluto na ng Kare-kare. Gutom na rin ako."

"Okey na siguro itong mga pinamili natin noh." ang sabi ni Star habang nilalagay niya ang mga grocery sa likod ng kotse.

Hinawakan ko ang kamay ni Star at saka siya isinandal sa pintuan ng kotse, "May ipapakita ako sayo."

At nilabas ko sa bulsa ko ang isang passbook.

"Wow... I can't imagine kung paano mo tinipid ang sarili mo para magkaroon ka ng ganito kalakinh savings."

"Para yan sa kasal at future natin. Star pasensya na ha... aaminin ko sayo... hindi rin naman kalakihan yan para sa isang engrandeng kasal saka wala rin akong engagement ring na dala kasi naisip ko gagastusin ko na lang yung pang engagement ring natin sa wedding ring naman.... Okey lang ba yun sayo? Star will you still marry me?"

Napaluha si Star, 'Yes Beto... kahit sa kangkungan pa tayo ikasal I will still marry you." at saka niya ako niyakap nang mahigpit.

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon