I love you Beto.... Salamat sa happy ending....
After two years ng pakikipaglaban sa kung cancer ay kinuha rin sa amin ni Lord si Star...
Ang totoo....
Tama si Papa.... sobrang sakit....
Na di mo na alam kung paano ka gigising sa araw-araw ng di mo siya kasama.
Sobrang depressing....
Ngayon naiintindihan ko na ang tatay ko kung bakit siya nagkaganon nang mawala si Mama....
"Anak.." nasa harap ako ng ataul ni Star nang inakbayan ako ni Papa.
"Ang sakit-sakit pala Papa. Tama ka." di ko mapigilang umiyak, "Na-gets ko na kung bakit ka nagkaganon. Hindi nga kita masisi."
"Sabi ko naman sayo eh... pero..
alam kong katulad ko rin kahit masakit ay di mo pinagsisihan na pinaglaban mo ang pag-ibig mo sa kanya."
Para sa akin ang pagpapakasal ko kay Star ay ang pinakatamang desisyon ko sa buhay.
"Alam ko ngayon ... nakakarelate na tayo... pero isa lang ang mapapayo ko sayo anak .. wag kang tutulad sa akin. Wag mong gawing tapunan ang buhay mo dahil wala na siya. Mahalin mo ang sarili mo ... mahalin mo ang anak mo."
Mahirap man i-absorb ang mga sinasabi ni Papa dahil sa nararandaman ko ngayon ay naiintindihan ko ang sinabi niya.
"Kung si Star nilabanan ang cancer niya.... ikaw din... labanan mo ang depresyon."
Napatingin kami kay Papa Boss na biglang humagulgol sa iyak sa ataul ni Star.
"Tignan mo ang biyenan mo... sinong mag-aakala... pare-parehas lang pa tayo ng kapalaran nating tatlo. Maagang na biyudo." tinapik ni Papa ang balikat ko, "Welcome to the club."
Natawa ako sa sinabi ni Papa at napayakap ako sa kanya.
Tuloy-tuloy ang sakit...
Tuloy-tuloy ang pangungulila....
Maslalo na ng inilibing na si Star.
Nagkulong ako sa kuwarto namin, pinagmasdan ang mga pictures na nakasabit dito.
Yung mga bansa at lugar na pinuntahan namin... yung nga pagtupad namin sa bucket list niya... yung sunrise.... yung sunset...
Binuklat ko ang bucket list notebook niya.... hindi ko mapigilang maiyak sa nabasa ko sa huling page ng notebook niya... ang kanyang huling wish:
HAPPY ENDING √
Napakalaki ng check mark ng item na iyon.
Nagbalik tuloy sa akin ang huling mga salitang sinabi niya bago siya mawala..
"I love you, Beto... salamat sa Happy Ending."
Niyakap ko ang notebook at saka humagulgol ng iyak.
"Papa?" pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Stephen na nakaupo sa kama ko at binubuklat ang notebook.
"Masayang nawala sa mundong ito ang Mama dahil natupas lahat ng nasa bucket list niya."
Umiling si Stephen, "Hindi Papa, merong isang item na wala pangcheck." at saka pinabasa sa akin ni Stephen ang item na iyon:
Maging matinee idol si Stephen.
After one year...
"Ang pogi-pogi naman nitong batang ito." ang bati ng baklang make up artist na nag-aayos kay Stephen, "Kaya ikaw ang may pinakamataas na boto sa text at internet kasi ang pogi-pogi mo. Di ba daddy?"
Ngumiti ako sa pambobola ng baklang iyon kay Stephen, "Mana kasi siya sa Mama niya."
Sinuot ni Stephen ang amerkana at shades niya at nagready na kami sa backstage.
"Oh handa na ba ang nga back up ko?"
Nagsuot kami ng amerkana at shades nila Papa Boss at ni Papa, "Ready na!"
"And to show his talent let's call on. . Crush ng Bayan number 10 Stephen!"
Lumabas si Stephen na may dalang gitara at nakasunod kaming tatlo sa kanya.
"Are you ready for rock and roll?!" ang sigaw ni Stephen sa mic.
1....
2....
3...
Naiinis ako
Pagnaiisip ko
Lahat ng tao ay tumatanda ahaha.
Parang katulad ng ginawa ko non.. kaming tatlo naman ang back up dancer ni Stephen sa talent portion sa sinalihan niyang sikat na Matinee idol sa search sa Tv kung saan daily round pa lang ay malakas na ang pangalan ni Stephen sa mga tao.
Ayokong Tumanda...
Ayokong tumanda...
Ayokong tumanda...
Ayokong tumanda nang di ka kasama...
In Reality....
Lahat ng tao ay mamatay...
Sabi nga nila una-una lang yan.
Pero hindi porke't lahat tayo ay mamatay ay hindi na totoo ang happy endings.
Dahil ang happy ending ay hindi nakabase kung nabuhay ka o hindi...
Nakabase siya kung paano mo iginugol ang buhay mo... pinili mo bang maging masaya o maging malungkot.
Kung may isa akong pinakanatutunan sa asawa ko ay yun ay to live life to the fullest! Kahit ano pang pinagdadaanan mo... gawin mong kapaki-pakinabang at masaya ang buhay.
Isang beses lang tayo mabubuhay sa mundong ito.... kaya take the opportunity to be happy.
At sa mahal kong si Star... gusto kong malaman mo na sobrang miss na miss kita....
Pero wag mo akong alalahanin...
Nasa tabi lang ako ni Papa mo, ni Papa ko at ni Stephen.
At kahit miss na miss ka na namin ay tutuparin namin ang lagi mong wish.... ang maging masaya.
I love you Star.. . salamat sa nineteen years (at higit pa pala) na pinagsamahan natin....
Salamat... sa happiness...
-End-
God Bless
Thanks!
BINABASA MO ANG
My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENT
RomansaHanda ka bang maging girlfriend ang isang gangster princess sa loob ng 120 days?