5

1.3K 25 0
                                    

Basement....

Dinala ako ni Boss Grego sa isang maliit na kuwarto sa basement ng mansion na iyon.

"Isang gabi nakita ko ang anak kong pumasok sa kuwartong ito. Patago siyang nagpupunta rito."

"Eh ano ho ba ito?"

"Bodega."

Obvious naman panay lumang kasangkapan kasi ang nakaimbak sa kuwartong iyo.

"Ito ang dating cabinet ng anak ko." saka niya binuksan ang cabinet at nilabas ang isang scrap book don.

"Ito yung sa Camera Arts Club niya ha." panay litrato ng school, ng mga schoolmates namin ang nasa loob ng scrap book.

Sa bandang huling pahina ng scrap book ay may nakasulat na....

To the one I secretly love...

Kinabahan ako... ito na yata ang ebidensya...

Sa susunod na pahina ay tumambad sa akin ang mga stolen pictures ko....

May naglalaro ako ng basketball, natutulog sa klase, nakikinig sa klase, kumakain sa canteen etc etc.... napuno ang natitirang pages ng scrapbook na iyon na panay litrato ko!

Nanginig ang buong katawan ko.... anong ibig sabihin non... tama si Boss... hindi ko alam na sa kabila ng pagtulong niya sa akin para kay Princess ay nasasaktan ko na pala siya.

Agad kong isinara ang scrapbook.

"Ano? Naniniwala ka na? Nang makita ko kailan lang yang mga litrato na yan ay pinahanap kita, inalam ko rin ang naging relasyon mo sa anak ko at ang background at ang swerte ko nga naman dahil nalaman ko na may malaking utang pala sa akin ang tatay mo."

"Kaya ginamit niyo yung sitwasyon. Boss, ginagawa niyo ba ito sa akin dahil nasaktan ko non ang anak niyo?"

"Inaamin ko bata, galit ako sayo dahil alam ko na kahit di mo sinasadya ay sinaktan mo ang anak ko pero kaya ko ginagawa ito dahil gusto ko maging masaya siya."

Kahit astig si Boss nong sinabi niyang gusto niyang maging masaya ang anak niya ay sumapol talaga ron ang puso ko. Gangster nga siya pero ang bait niya sa anak niya.

"Hindi pa nagkakaboyfriend ang anak ko kahit ilang lalaki pa ang ipakilala ko sa kanya at dahil yun sa di pa siya maka-move on sayo, lagi pa rin siyang pumapasok sa kuwartong ito at tinitignan ang scrapbook. Maawa ka naman sa anak ko, siguro naman sapat na ang 120 days para matutunan mo siyang mahalin."

"I'm sorry po." ang sabi ko, "Wala na akong balak ma-inlove. Ayoko pong ma inlove. Sige po, para na lang sa tatay ko tatanggapin ko yung 120 days installment pero di ko mapapangakong maibibigay ko ng buo ang puso ko."

Tumango sa akin si Boss Grego, "Kung yan ang paniniwala mo, bahala ka. Basta sundin mo ako... paligayahin mo ang anak ko."

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon