6

1.3K 24 0
                                    

Ang feeling....

Nagigiguilty ako...

Hindi ko na nga magawang suklian yung nararamdaman niya sa akin tapos ngayon magpapanggap akong mahal ko siya para sa pera.

Pagdating ko sa bahay ay sumalubong sa akin ang malakas na hilik ni Papa na nakahiga sa sofa ay nakataas pa ang isang paa sa sandalan.

Saan pasugalan kaya naglagi itong tatay ko at napagod siya?

"Sophia . ."

Napapanaginipan na naman ni Papa si Mama.

"Sophia I love you."

Mahal na mahal talaga ni Papa si Mama. Yun nga lang parang si Mama lang ang mahal niya at hindi ako.

Maayos naman ang pamilya namin non pero nong namatay si Mama nong ikafourth year highschool ko dahil sa cardiac arrest ay don na nagbago ang lahat maslalo na si Papa.

Walang araw na di na-miss ni Papa si Mama.... nilabanan niya ang depression... nagsugal siya... pero ang di niya napapansin na kesa iahon siya mula sa depression ng sugal ay maslalo siyang nilulunod nito.

Hanggang sa ito na nga ang nangyari ako ang kailangang sumagip sa pagkakalunod niya. Nakakainis talaga....

Nakakakonsensya talaga dahil sa problema naming mag-ama ay madadamay pa si Star.

Nagtext sa akin si Boss pinaalis ako ng maaga sa talyer upang suyuin ang anak niya. Hindi ko na siya nireplyan ayoko na....

Hindi ko kayang manloko ng isang tao para sa pera....

Sinadya kong magtrabaho ng magtrabaho....

Mag-oot na lang ako ng mag-oot para mabayaran ko yung P240000. Di bale ng maghirap ako kesa maging unfair sa ibang tao.

"Nasaan si Beto!" nagulat ang mga kasamahan ko sa talyer nang biglang pumasok don ang mga malalaking galamay ni Boss Grego na may mga dala pang mga bakal na tubo.

Lumabas na ako dahil sa nakita kong takot sa mga kasama ko... Ayoko namang pati ang talyer madamay sa problema namin.

"Mga Boss... wag niyo ng idamay ang talyer... pag-usapan na lang natin ito ng maayos."

"Sabi ni Boss sumama ka sa amin kung hindi..."

Biglang nagtitig-isang sasakyan ang mga goons at animoy sisirain ang mga sasakyan na inaayos namin.

"Okey mga Brad. Sige na sasama na ako sa inyo!"

Nagmatigas pa ako... titiklop din pala.

Ang ending ng pagmamatigas ko dito sa mansion ni Boss Grego may hawak na bouquet para sa anak niya.

"Boss Grego, sana maintidihan niyo ako. Ayoko po kasing lokohin ang anak niyo at ayoko po siyang paasahin."

"Tama na ang dada, bata. Sumunod ka na lang... alam ko ang magpapaligaya sa anak ko."

Napabulong ako sa sarili ko, "Sa lahat yata ng tatay kayo ang pumapayag na lokohin ang anak niyo."

"May sinasabi ka!" patay narinig ata ako.

"Naku po wala po. Nagpapractice lang ako ng script." ang sabi ko.

"Papa andito na ako." ang sabi ni Star pagpasok niya sa mansion dala ang mga gamit niya sa photo studio, "Beto, andito ka uli?"

Tumayo ako at inabot ang bulaklak kay Star, "Star flowers for you."

Kinuha naman niya yun, "Kagabi ka pa nagbibigay ng flowers ha.... wala ka namang balak gawin garden ang kuwarto ko."

"Ayos din yun... para paggising mo ng umaga ako agad ang maiisip mo." ang adlib ko. Napangiti naman si Boss bumilib ata sa adlib ko.

"Wow naman Beto, hindi ka pa rin nagbago, same style ka pa rin ng panliligaw."

Aray naman. Parang pinaalala niya sa akin yung panliligaw ko sa wala sa kaibigan niya.

"Anak, ayos din pala itong si Beto noh, masipag na bata. responsableng anak at bread winner."

Tumango naman si Star, "Mabait naman talaga siya."

"Sabi ko nga sa kanya, wag mong sasaktan ang anak ko kundi...." sabay palo sa braso ko, "Ipapabugbog kita."

"Papa, don't be mean." ang saway ni Star sa tatay niya.

"Star, am.... gusto mo manood tayo ng sine. May magandang movie ngayon."

"Ha? Ah... sigurado ka?" tanong niya sa akin.

"Ano ba yang tanong mo na yan anak siyempre sigurado si Beto. Gustong-gusto ka talaga niyang makasama. Sige umalis na kayo para maabutan niyo pa yung last full show." ang sabi ni Boss at saka kami pinagtulakan na lumabas at hinatid pa kami hanggang kotse para siguradong makakapagdate kami ng anak niya.

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon