Pangit ka....
"Pangit ka nga dahil magang-maga na ang mga mata mo sa kaiiyak at ang lungkot ng aura mo. Ngumiti ka nga, ilabas mo yung dimples mo."
Ngumiti naman siya sa akin bumalik ang kulay at bloom ng mukha niya kahit na ang payat niya at wala siyang buhok.
"Ayan. .. ikaw na... ikaw na ang pinakamagandang kalbo na nakilala ko."
Natawa siya sinabi ko.... bumalik ang ganda at sigla ng mukha niya. Napagtanto ko tuloy.... ang kagandahan ng tao ay wala sa pisikal kundi da outlook niya sa buhay.
Dahil mahaba-haba rin ang kuwentuhan namin ni Star ay inabot na ako ng alas kuwatro ng madaling araw sa pag-uwi.
Naabutan ko si Papa na nakahiga sa sofa namin kaya tuloy pagpasok ko ng bahay ay nagising siya.
"Madaling araw na."
"Nababad lang po sa pakikipag-usap kay Star." dumukot ako ng pera sa bulsa ko at saka inihulog yun sa isang garapon.
Napangiti ako nang makitang madami ng lamang pera ang garapon na yun, "Maideposit na nga ito sa bangko para magkainteres."
"Hindi na ba talaga kita mapipigilan?"
Napatingin ako kay Papa.
"Sa pagpapakasal mo kay Star, talaga kasing pinag-iipunan mo."
"Sorry Pa, mana lang sa inyo, matigas ang ulo."
"Sabi ko nga. Ganyan din naman ako sa nanay mo non." ang sabi niya, "Ayokong matulad ka sa akin anak kaya kita sinasabihan non.... pero naisip ko, di hamak naman na mas matalino ka sa akin pagdating sa bagay na ito, saka sa nakikita ko.... masaya ka."
Ngumiti ako kay Papa, "Totoo po yan. Masayang-masaya ako."
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan... napapansin ko ang unti-unti ng pagsigla ni Star. Kahit papano ay bumabalik na ang buhok niya at nagkakalaman na uli.
"Gumaganda ka na ha."
"Sabi ko na nga ba napapangitan ka sa akin."
"Ano ka ba natutuwa lang ako kasi masigla ka na." ang sabi ko sa kanya habang kausap ko siya Skype.
"Umeepekto na kasi yung gamot. Tuwang-tuwa nga kami eh. Saka nakita mo yung mga pics namin ni Princess sa FB?"
Naaalala ko na naman ang paninigaw ng ex nililigawan ko sa akin noon, "Ano? Sinisiraan na naman ba ako ng magaling mong kaibigan? Bakit ba ganon yun nagsisisi ba siya kung bakit di niya ako sinagot non?"
"Hoy ano ka ba? Okey ka na kay Princess bilib na siya sayo. Nagbalik na yung tiwala niya sayo." ang sabi niya, "Nakakatuwa Beto ang c-cute ng mga anak ni Princess. Sana noh tayo rin, mas maganda rin sana kung bibo yung anak natin yung tipo mahilig sumali sa mga contest sa school."
Napangiti ako. Looking forward na siya sa future family namin. Tamang tama... nakaipon na ako para sa kasal namin.
"Wag kang mag-alala Star ko, tratrabahuhin natin yang career ng anak mo. Itaga mo yan sa bucket list mo."
"Nasulat ko na..." at ipinakita niya sa akin ang notebook niya, "Meron pala akong isa pang isinulat na gagawin natin pagbalik namin diyan sa Pinas. Ipagluluto kita ng paborito mong Kare-kare, prinactice ko yan dito sa Tate."
"Naglalaway naman ako sa wish mo na yan.... gusto ko ng matikman."
"Don't worry bukas matitikman mo ma."
A-ano raw.... BUKAS?
"B-bukas?"
Ngumiti si Star at tumango sa akin.
"Uuwi ka na?"
"Yes Beto, super magaling na ako kaya uuwi na kami riyan ni bukas!"
BINABASA MO ANG
My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENT
RomanceHanda ka bang maging girlfriend ang isang gangster princess sa loob ng 120 days?