13

930 17 1
                                    

Airport...

Sa airport ay mabilis akong bumaba ng kotse at hinanap ang counter para sa Busuanga airport.

Nang makita ko ang counter ay nakita ko agad si Star na nakapila ron kaya di ako nagpahalata na nakapila rin ako sa pinipilahan niya.

Nakita kong inabot na sa kanya ang pass at seat number niya kaya yung turn ko na ay agad akong humingi ng request, "Miss is it okey kung tumabi ako kay Miss Star Defrado."

"Why sir?'

"Girlfriend ko kasi siya, akala niya kasi mag-isa siyang byabyahe ngayon ang di niya alam susuprisahin ko siya saka...." pinakita ko rin sa kanya ang bulaklak na dala ko kay Star 'Magpropropose na kasi ako sa kanya eh."

'Wow ang sweet niyo naman po sir. Kaya lang po occupied na po yung seat na katabi ni Miss Defrado eh."

Napailing na lang ako.

Sa eroplano ay nakaupo sa bandang gitna si Star habang ako ay nasa dulo.

Nakita ko siyang nakaupo sa may bintana tapos mamaya-maya ay dumating na rin ang katabi niya.... isang batang lalaki.

Pambihira bata lang pala ang katabi ni Star hindi pa ako pinagbigyan.

Nakita kong panay ang tingin nong bata sa bintana at napansin yun ni Star kaya nakipagpalit siya ng upuan sa bata para makapagsight seeing ang bata.

Nagtake off na ang eroplano at pinasuot sa amin safety belt. May turbulance sa ere kaya hindi kami makatayo sa eroplano.

Nang inalis na ang seat belt sign ay nagtayuan ang mga tao at nagpuntahan sa bandang pwesto ko kung saan malapit ang CR. Nahirapan akong tumayo dahil ang daming nakaharang sa daraanan ko dahil sa CR.

Nang pawala na ang pila ay tumayo na rin ako at lumapit sa kinauupuan ni Star.

Pagewang-gewang ang eroplano dahil sa turbulance.

Palapit na ako sa pwesto ni Star nang biglang inabutan ako ng turbulance at napatumba ako sa sahig ng eroplano.

Hindi lang basta tumba.... napahiga ako sa sahig.... sa tabi ng kinauupuan ni Star.

Napatingin sa akin si Star at nagulat siya pagkakita sa akin

" Beto?"

Pati mga stewardess nabahala sa akin.

"Star..." ang may hingal kong sinabi sa kanya sabay kuha sa mga rosas na dala-dala ko.

"Flowers for you."

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon