Galit siya?
Kinakabahan ako.
Galit kaya sa akin si Star?
Eh bakit naman siya magagalit hindi ko naman sinasadyang makita siyang nakaganun?
Baka nabastusan siya ng makita kong hawak ko yung jelly? Baka iniisip niya manyak ako?
Napahawak ako sa mukha ko...
Anong gagawin ko?
Makakapag-aral nga ako pero wala naman akong love life at ang masaklap niyan may utang pa rin ako!
"Beto." bumaba sa hagdan si Star na nakasuot na ng maayos.
"Star sorry talaga hindi ko sinasadya. Sabi kasi sa studio may sakit ka raw kaya pinuntahan kita saka yung sa jelly... nacurious lang talaga ako."
"Sorry din nabigla ako kasi kanina." ang sabi ni Star.
"Ano bang nangyari sayo?" pinagmasdan ko ang mukha niya, matamlay siya, "May sakit ka ba?"
"Over fatigue lang daw sabi ni Doc."
"Magpahinga ka muna." hindi ko maiwasang mapatingin sa dibdib niya.... may suot kaya siyang jelly?
"Beto, salamat sa pag-aalala."
"Ahh... oo... siyempre mag-aalala ako, mahal kita eh."
Napahawak siya sa ulo niya, "Nahihilo ako."
"Naku may over fatigue ka pa yata." inalalayan ko siya, "Doon ka muna sa kuwarto mo."
Tumayo naman siya at nagpaalalay sa akin papanik sa kuwarto niya.
"Pasensya na ang gulo ng room ko." at inalalayan ko siya sa paghiga sa kama niya.
Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang isang kamay niya.
Hinaplos-haplos ko iyon, "Nagugutom ka ba? Magpapaluto ako sa baba."
"Hindi naman. Gusto ko lang matulog, magpahinga. Beto...."
"Oh."
"Napapagod na ako."
Parang tinusok ang puso ko sa sinabi niyang yun maslalo na ng makita ko ang mga mata niyang maiyak-iyak.
Ganon ba siya ma-over fatigue? Umiiyak?
"Shh..." at pununasan ko ng tela ang mga luha niya "Maging matapang ka nga. Magpahinga ka na para maipon mo uli yung lakas mo."
Tumango naman siya at natulog na.
Nang tuluyan ng makatulog si Star ay bumaba na ako ng hagdan at naabutan ko si Boss na may kausap sa phone niya.
"Gawin niyo lahat ng paraan, please nagmamakaawa na ako sa inyo. Kailangan ko siya.... okey.... sige.... wala na akong pakialam kung magkano.... wala na rin akong pakialam kung maghirap ako. Basta gawin niyo lang kung ano pang kaya!"
BINABASA MO ANG
My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENT
RomanceHanda ka bang maging girlfriend ang isang gangster princess sa loob ng 120 days?