"Amerika?"
Tumango ako, "May espesyalista kasi ron na gusto kang tulungan, so... sa madaling salita gagaling ka na."
Napansin ko din na natuwa si Star sa balitang yun.
"At kapag gumaling ka na, gagawin natin ang lahat ng nakalista sa notebook mo."
"Gaano raw kami katagal don?"
"Mahigit isang taon daw."
Bigla siyang nalungkot, "Ang tagal nating maghihiwalay...."
Inakbayan ko si Star, "Okey lang yung one year... saglit lang yun. Kumpara naman sa buong buhay kitang di makasama saka may internet naman eh... maraming means para di kita masyadong ma-miss."
Sabi ko lang yun dahil ang totoo yung isang minuto nga lang na di ko siya makasama sobra ko na siyang mamimiss yun pa kayang mahigit sa isang taon? Pero sabi nga nila.... love is sacrifice.... love is patient... love is willing to wait for the right time.
"Baka maipagpalit mo na ako sa iba niyan ha , yung may boobs, yung healthy, yung hindi ka laging pinag-aalala."
"Alam mo pag alis mo magiging busy din ako sa pagbabalik eskwela ko, sa trabaho at paghahanda sa pagbabalik mo."
Nilabas ko ang notebook niya ng bucket list, "Binabasa ko itong listahan at napansin ko parang may kulang."
Napakunot ng noo si Star.
Binuklat ko ang huling pahina ng notebook at saka ako kumuha ng ballpen.
"Nakalimutan mong ilagay dito...." at nagsimula akong magsulat:
-Magtatayo kami ng auto shop ni Engineer Beto.
-Pakakasal ako kay Beto at magiging asawa niya.
-Magkakaanak kami ni Beto at magiging mabuti nanay sa kanila
"Hmmm.... ito muna, saka ko na lang dadagdagan after one year." at tumingin ako kay Star, "Kapag kasal na tayo. "
Naiyak si Star sa sinabi ko "Sure ka bang pakakasalan mo ako? Wala akong boobs. Guys love boobs."
Natawa ako sa sinabi niya, "Mali. Ibahin mo ako. I don't love boobs..." at hinawakan ko ang mukha niya , "I love you."
BINABASA MO ANG
My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENT
Roman d'amourHanda ka bang maging girlfriend ang isang gangster princess sa loob ng 120 days?