Nilibot na namin ang buong hometown namin. Gumanda ito at may mga malaking improvement. Mag Sm na nga dito eh kaya nandito kami sa Sm bumibili ng Pintura.
"Ano ba kulay?" tanong ni Richard saamin. Oo, buong magdamag kasama namin si Richard and Jason.
"Pastel Pink, Beige Yellow parang peach, Light blueish grayish or Pastel Blue, White, Pastel Gray and Black tig 2 sa isang color" sabi ko kay Richard.
Napanganga siya sa mga sinabi ko. Mahal kasi Pintura at alam ko ang iniisip nila, Mayaman kami. Ahah oo rich kid be like.
To: Babe ko 😍😘
Babe, di ka na nagreply. kasama ko si Lois and friends bibili ng pintura para sa bahay. How are you na? Miss you so much i love you.
Text ko kay Christopher di na kasi siya nagrereply eh. Ano kaya nangyare? kinakabahan ako na ewan. Chandria walang masama nangyare, magrereply din si Christopher. Baka may ginagawa lang yun.
Ginagawa? Eh kanina pa nga di nagrereply.
Hintayin mo na lang si Christopher. Magtext din siya..
Inip na inip na ko eh. Baka kasi ano nangyare.
Positive thoughts nga Chandria.
Chandria.
Chandria.
"Ui Chandria!! Yun lang daw ba?!" sigaw ni Lois saakin. Takte kanina pa ba ako ganito? Si Christopher kasi eh.
"Uhmm kailangan pa natin ng iba pamg materials. Pagandahin natin ang bahay. Para pag uhm bumisita sila Mama at Papa. Magugulat sila" sabi ko at nangitian sila lahat. Ang ganda lang talaga ng imagination ko. Tumawa sila lahat
"Ahahahaha dami mo alam bes. pintura na lang, di natin kaya ang iba. At tiyaka dun na lumaki si mama baka magalit dahil iniba natin ang bahay. Syempre ang dami na niya memories dun" sabi ni Lois. Oo nga naman tama siya.
at bumili na kami ng mga Pamg Pintura dito sa ace hardware. Ang bibigat ah, sa lahat ng gusto ko Pintura lang talaga kasi parang nagpapaint ako. Bumili rin kami ng marami brush iba't ibang size. pagkatapos namin bumili ng Paint inatake na ko ng gutom. Nakakagutom na eh. Binuhat na namin ung mga brushes at Pintura. Kaya naman namin kahit mabigat you know gym.
"Kain muna tayo sa Jollibee" sabi ko sakanila. Napatawa konti ung boys. Bakit? Ano nakakatawa sa Jollibee? Porket pangbata sus. Muli sumisigaw nanaman ang muscles nila dahil sa mga mabibigat na pintura na dala nila.
"Ano nakakatawa?" sabi ni Lois tapos umiling naman ang dalawa. Ang abno naman. Pumasok na kami sa Jollibee at nagorder na si Lois. Ako na nagbayad sa mga Pintura at Brushes eh. Siya na dito aba sayang pera ko.
Nakaupo na kami tatlo sa table namin.To: Babe ko 😍😘
Babe, nagaalala na ko. Oo kasama ko friends ko pero ung isip at puso ko nasayo naman. ano na nangyayare? Nagaalala na ako Christopher. Pls reply ASAP. 😥😭Nagaalala na talaga ako kay Christopher. Kanina pa hindi nagtetext eh. Ano ba nangyayare dun? May pagkakamalan kaya si Kuya dun.
"pumapanget ka kapag malalim ang iniisip mo." pang asar ni Jason. Diyan siya magaling! Sa pangaasar, bata pa lang ako inaasar na ko. I just rolled my eyes to him.
"Taray!" sabi niya ulit. Ang kulit talaga ni Jason kanina pa siya. Bumibili ako ng Pintura kinikiliti ung tagiliran ko. Kung saan malakas kiliti ko.
"Jace. Shut up" sabi ko sakanya. Ang tagal naman ni Lois, gutom na guton na talaga ako eh.
"Badmood ah. Bakit?" tanong nanaman ni Jason. Ang kulit. Nilabas ko ung scotchtape sa plastic.
"Isa pang salita lalagyan ko yan bibig mo ng tape! Ang kulit naman eh" inis na sabi ko kay Jason.
BINABASA MO ANG
It Started With A Dare (Kathniel fanfic)
FanfictionSi Patricia Chandria B. Manuel ay isang babaeng wala pang kasintahan. Siya ay 3rd year high school na, may normal na buhay at masaya kasama ang mga kaibigan niya kaso lahat ng kaibigan niya ay may kasintahan na, minsan ay naiinggit din siya pero nag...