TIGHT-LIPPED/ chap.1

18.2K 209 6
                                    

CHAPTER ONE

[ Lavinia’s POV ]

Nasanay na rin ako sa buhay-mahirap. >____<

It’s the sad truth talaga—na may mga oras na ang mayaman ay nagiging dukha rin.

And literally, na nagtutulak kami ngayon ni Mama ng kariton.

It’s so embarrassing! Pero ano ang magagawa ko? SImula ng bumagsak ang lahat ng negosyo ng Papa, dahil sa pagiging ma-pride niya which drove away his affiliates and investors at ang madalas nilang pag-aaway ni Mama, heto ang kinahinatnan namin.

*sigh* Ano pa ba ang magagawa ko?

Buti nga naka-adopt ako sa ganitong buhay. Hindi nga lang alam ni Mama ang raket ko para makatulong. Kung si Mama kasi at ang mga kapatid ko ay nagbabakal-bote para kumita kami, ako naman nagdedelihensya. Swerte na kapag hindi puro ATM cards ang laman ng wallet na nakukuha ko. Wala naman kasi akong ideya tungkol sa pangha-hack ng password sa ATM accounts no?

“Nia,” tawag ni Mama sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

Hapon na nun at nagtutulak pa rin kami ng kariton na natatakluban ng mga karton. Sa ilalim kasi nun, doon nakahiga ang mga kapatid ko—si Alfred at Marta. Si Marta ang bunso, five-years-old at si Alfred naman, fifteen na, kaya ‘yun. Siya ang medyo hirap mag-adjust sa pagiging poor namin. T^T At ako na rin. Hindi ko pa rin talaga mapaniwalaan na ganito pala… na mapaglaro talaga ang tadhana. At ang mga rich friends ko—hindi ko na mahagilap ngayong kailangan ko sila. Ganun din ang Mama na very social sa mga tao sa aming elite society noon.

“Magpahinga na muna tayo,” sabi ni Mama sa akin nang lingunin ko siya.

“Mabuti nga po,” sabi ko tsaka kami tumigil sa pagtutulak sa harap ng Manila Bay, dito sa Roxas Boulevard. Dito na kami inabot ng ilang taong paglalakad-lakad. Samantalang noon, de-kotse pa kami kung mamasyal dito. Wala na rin akong pakialam sa mga tao na nagsisipag-tinginan sa amin.

Buti naman at hindi ako masyadong rugged-looking. Naka-cap nga lang ako kaya nakataas ang buhok ko at nakatago sa loob nun, maluwag na white shirt na medyo marumi na, jeans at tsinelas. Komportable kasi at bagay sa status namin ngayon. I’m already done with the nights na iniiyakan ko pa ang pagiging poor namin, ang kawalan namin ng mansyon, gadgets at lahat ng meron kami noon.

Inilabas ni Mama ang wallet na may lamang mga pera—pera na kinita namin sa pagbabakal bote.

“Bibili muna ako ng makakain, ha?” sabi niya sa akin.

Tumango ako at hinayaan na lang si Mama na umalis. Nanatili akong naka-upo sa may sea wall at nakatanaw sa Manila Bay.

*sigh* Ang sarap ng ihip ng hangin at masarap pagmasdan ang papalubog na ang araw.

*___* Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

“Lavinia?”

Napalingon kaagad ako sa pinagmulan ng boses.

Mula iyon sa lalaking nakatayo ngayon sa harap ko, yung kariton ang nasa pagitan namin. Nakasuksok yung mga kamay niya sa bulsa ng pants niya, tapos naka-puting long-sleeved polo siya na walang necktie, coat at bukas yung ilang butones. Sa titig pa lang niya sa akin, nakilala ko agad siya.

*gulp* Of all the situations, places and chances—bakit ngayon pa kami nagkita ng halimaw na ito?

Nilingon ko na lang ang Manila Bay, ang medyo orange na dagat dahil sa sunset at ang kalmado nitong mga alon. Sana maging kasing-kalmado lang ako ng mga along ito. Kunwari hindi ko siya kilala at hindi Lavinia ang pangalan ko.

“Ang suplada mo pa rin pala, no?” salita niya ulit kaya inirapan ko siya.

“I’m sorry, pero hindi ko kilala ang Lavinia Montez na sinasabi mo.”

Ngumisi siya. “Huling-huli ka na, Lavinia. I just called you by your first name kanina, nabanggit mo pa ngayon ang apelyido mo na hindi ko naman nabanggit kanina. So, I guess I’m not mistaken.”

Anak ng tinapa! GRRRRRRRRRRR!

“Ano bang kailangan mo, ha?” pamewang ko sa kanya kahit nakaupo lang ako sa sea wall.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, tapos yung kariton ang tinignan niya, tapos ako ulit.

“Mukhang ikaw ang may kailangan at hindi ako.”

Inirapan ko siya, tapos sinipa ko yung kariton na medyo umuga lang.

“Hoy! Excuse me! Nagkataon lang na natapat ako sa karitong ‘yan, no? Hindi akin ‘yan!”

Nang umuga ang kariton sa pagkakasipa ko, biglang sumungaw si  Alfred na pupungas-pungas pa. Lumingon-lingon siya tapos tinignan ako. “Ate Lavinia naman! Kitang natutulog ako eh!”

Tapos tinakluban na ulit niya ng karton ang sarili at natulog.

Kunwari pa ang intrimitidong ito. Huli ko namang ngumisi siya bago niya pina-pormal ulit ang hitsura ng pagmumukha niya.

“I see,” basag niya sa katahimikan.

Nilingon ko na lang ang Manila Bay. “Get lost.”

“Anong nangyari sa’yo?” kulit ng halimaw na ‘to. “Nuknukan kayo ng yaman noon ah?”

Inirapan ko siya. “Leave me alone na nga!”

Umupo siya sa tabi ko. “Alam mo, pwede naman kitang tulungan, Lavinia.”

“Huwag na lang, Mr. Segismundo Libral!” singhal ko sa kanya. “I don’t need your help.”

Ngumisi siya. “Ganyan ka naman talaga eh. Napaka-ma-pride. Kailan mo ba babawasan ‘yan, Lavinia?”

“Bakit ba ako ang kinukulit mo? Mamamatay ka ba kung hindi ko tatanggapin ang tulong mo? Kahit tulungan mo ako ng tulungan, sa impyerno ka pa rin dederetso!”

“Siguro nga. Sa dami ba naman ng ginawa kong katarantaduhan noon eh,” nakakalokong ngisi niya sa akin.
“At proud ka pa sa lagay na ‘yan!” iniwas ko na ang tingin sa kanya at tinitigan lang ang kalmadong mga tubig.

“Very,” sagot niya na aakbay pa sa akin pero tinulak ko siya.

“Umalis ka na ngayon din!”

“Bakit, sa’yo na ba itong Roxas Boulevard?”

Di ko na ma-take ang hambog na ito. Tumayo na ako at mag-isang tinulak ang kariton paalis. Buti na lang at nasalubong ko si Mama.

“Giniginaw na sila Marta doon eh,” dahilan ko kay Mama na wala pang nabibiling pagkain pala. Tinulungan niya ako na itulak ang kariton patungo sa kung saan man kami dadalhin ng mga paa namin.

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon