TIGHT-LIPPED/ chap.3

8.8K 140 0
                                    

CHAPTER THREE

[Lavinia’s POV]

Umaandar na ang kotse nang magising ako.

Pagkaupo ko ay hinampas ko agad sa ulo yung nagmamaneho. Buti at naipreno pa niya yung kotse, pero patuloy ako sa paghahampas sa kanya.

“Walanghiya ka, GERALD!!” sigaw ko habang hampas pa rin ng hampas.

“ANO BA?!” hasik sa akin ni Segmun.

O_______________O SEGMUN?

“IKAW?” react ko matapos matulala. “Ikaw ang may pakana nito?”

Bumaba lang siya ng kotse kaya lumabas na rin ako. Nasa tapat kami ng isang subdivision house. Hinarap ulit ako ni Segmun.

“Dito na kayo titira, pero babayaran MO ang lahat ng tulong ko.”

“HAH?” I scoffed. “Kailan ka nga ba tumulong ng walang kapalit?”

“Ikaw ang magiging PA ko,” balewalang patuloy lang ng halimaw na ito.

At anong sabi niya? AKO? PA? Personal Julalay? PJ pala yun… Personal Alalay? Assistant- Alalay, parehas na rin yun. ----____----

“PA?!” – O______________O

“Anong nakakagulat sa pagiging PA?”

“Hindi ka naman disabled, bakit kailangan mo pa ng personal alalay?”

“Ayaw mo nun,” ngisi ng intrimitidong lalaki na sinawsaw sa kayabangan nung pinanganak siya, “araw-araw kang makakasilay sa akin.”

Mapakla ko siyang tinawanan. “Silay? Oh, come on, Segmun! Libral, Libral, Libral… Kung hindi lang dahil sa Mama, sa batas, sa Diyos at sa pulis, mapapatay talaga kita!”

“In what way?” hakbang niya palapit sa akin para titigan akong mabuti sa mga mata. “Lulunurin mo ba ako sa pagmamahal? O pagliliyabin sa pagnanasa?”

“You’re so impossible!” sigaw ko sa kanya tsaka nag-step-step palayo sa kanya. “Grabe ka sa pick-up lines! Woo!” Kulang na ang mag-bow ako sa harap ng mokong na ito na tinawanan lang ako!

“Ano ba talaga ang motibo mo, ha? May gusto kang makuha kaya ginagawa mo itong kalokohang ito eh. Come on, tell. Secret lang natin,” anas ko sa kanya.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at sinabing, “Akin na lang ang sikretong iyon.”

HMPH. Labo neto. Tinalikuran ko na lang siya bago ko naisip na lingunin siya ulit.

“ANG MAMA? ANG MGA KAPATID KO?” O_______O

Ngumisi siya at ibinulsa ang mga kamay sa pantalon. “Nandoon na sa loob ng bahay.”

Geez. Thank God. Tumakbo na ako papasok dun sa bahay.

Nandoon nga si Mama. Kausap niya sa salas si Gerald.

“Mama,” tawag ko tsaka lumingon sa paligid ng mahawakan ko ang braso niya. “Si Alfred? Si Marta? Where are they?”

“Nauna na doon sa kwarto nila,” ngiti sa akin ni Mama.

Napaungol ako. Parang ayaw ko yata sa ngiting ganun ni Mama.

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon