TIGHT-LIPPED/ chap.28

3.2K 46 0
                                    

Chapter Twenty Eight

_______________________________

[ Lavinia’s POV ]

Si Ronnie? Kalaban din namin si Ronnie? Hindi na ako nakaimik pa. Actually, simula nang magkagulo na, hindi ko na nagawang makapagsalita. Nagpahila na lang ako kay Segmun at mahigpit na humawak sa kamay niya. Pag nararamdaman niya ang panginginig ng kamay ko, pinipisil niya ang palad ko tsaka ako binabalingan ng worried na tingin. Yumuyuko na lang ako para hindi niya na masyadong makita pa ang takot ko.

Huwag na sana kaming mamatay muna. Please, Lord.

Habang nananahimik ako, iniipon ko ang lahat ng tapang ko. Hindi ako dapat matakot. Kasama ko yata ang apat na pinakamatatapang na lalaki sa buhay ko. Iyan nga, oh, may hawak pa silang mga baril. Ang unfair nga lang kasi ako wala. Hindi ako dapat matakot dahil kung sa panaginip ko nga napapatay ko pa ang mga zombies, ngayon pa kaya na mga masasamang tao lang ang kalaban namin? Pero napalunok na lang ako. I think that didn’t help to relieve my worries.

Wala na kaming nagawa kundi ang sumuko kina Ronnie. Kalaban pala siya. Natagpuan niya na kami ng mga tauhan niya. Now, we’re doomed.

Nakipagpalitan ako ng tingin kay Segmun at Papa Simon. Kinakabahan na talaga ako. Mas lalo akong kinabahan ng napansin ko na nawawala ang Papa.

“S-Si Papa?” bulong ko.

“Ano?” lapit sa akin ni Segmun habang dahan-dahan kaming bumababa ng hagdan.

“Si Macario?” tanong sa amin ni Ronnie.

Hinanap nina Segmun at Papa Simon si Macario. Tama, wala nga ang papa ko. Nasaan na siya? Nakatakas ba siya? Paano?


“Putang-inang iyan!” galit na mura ni Ronnie saka nilingon ang iba pang mga tauhan. “Hanapin niyo si Macario!”

Agad na sumunod ang mga tauhan at tumalilis na para hanapin ang tatay ko.

Ano na kaya ang plano ni Papa? Sana magtagumpay siya. Sana tulungan siya ni Lord. Sana mailigtas din kami mula kina Ronnie bago pa may mamatay sa aming tatlo.

[ Macario’s POV ]

Ang advantage ng palaging nasa hulihan.

“Fire exit? Wrong choice, Segmun.”

Nasa likuran lang ako nina Segmun, sa dulong-dulo. Ni hindi nga ako nakita kaagad ng mga kalaban kaya naisipan ko na yumuko at pumuslit. Kailangan kong makatakas. Kailangan kong—shit. Bakit nga ba ngayon ko lang naisipan na tawagan ang mga pulis? Nagtago ako sa loob ng isa sa mga kwarto para tumawag ng pulis. Pagkatapos ng pahirapang pagkumbinsi sa kanila, napapayag ko rin sila na pumunta rito dahil sa pagbanggit ko sa maimpluwensyang apelyido ng mga Libral.

Ibinulsa ko na rin ang cell phone ko na palaging naka-vibrate at silent mode, tapos inihanda ko na ang sarili ko na lumabas pero saktong may dumaan na kalaban at napalingon sa akin. Hindi ko na natitigan pa ang mukha niya kaagad, awtomatiko ko na siyang nabaril sa dibdib kaya bumagsak siya sa sahig. Huli na para ma-realize ko na ang nabaril ko pala ay si Caloy, ang anak ni Mang Fabian.

Napaluhod tuloy ako kaagad.

“Caloy! Bakit ka nandito?”

“Tang-ina mo, Macario,” mura niya na nagpangisi sa akin.

Akala mo kung sinong anghel na pinag-aaral pa ni Simon sa kolehiyo, iyon pala ay isa rin siyang nakakalasong ahas na nakapulupot sa mga Libral. Tinutok ko sa kanya ang baril saka ko siya hinila papasok sa silid. Sinarado ko ang pinto at tinutok sa sentido niya ang baril.

“Magpaliwanag ka,” bulong ko sa kanya. “Bilisan mo dahil gipit ako sa oras. Magkwento ka kung paano kang nasali sa sindikato at baka magdalawang isip pa ako kung patatahimikin ko na ang masangsang mong kaluluwa, gago ka!”

At kahit pautal-utal pa, nagsimula nang magkwento si Caloy.

Kilala niyo ba ang kapatid ni Segmun? Si Martin Libral. Siya ang nag-iisang kapatid ni Segmun. Kung si Segmun ay nagrebelde sa pamilya niya, si Martin naman ang nanatiling santo. Parang tulad din ni Ronnie  noong una. Masipag ito mag-aral, maraming kaibigan. Napapadalas din ito sa hacienda dahil sa naging nobya nito, si Serene.

Mahilig sa agriculture at nature si Serene, kaya ang hacienda ang unang naisip ni Martin na pasyalan nilang dalawa nung first anniversary nila bilang magnobyo at magnobya.

Sakto namang nagkita kami ni Serene at nagkapalagayan ng loob nang hindi alam ni Martin…

“Shit naman! Hindi iyan ang gusto kong ikwento mo!” angil ko kay Caloy. “Ang tungkol sa sindikato at ang relation mo doon ang  ikwento mo!”

Diniin ko sa sentido niya ang bunganga ng baril. “Dali!”

“P-Patapusin m-mo kasi ako… r-related ‘yan!”

“Okay!”

At hindi niya iyon alam, dahil napapadalas ang pagiging abala noon ni Martin sa pag-aaral. Nagtatampo na tuloy sa kanya si Serene. Kaya, sinasamahan ko siya sa pamamasyal sa hacienda.

Hanggang sa isang gabi, hindi ko naman alam na may malalim na hukay sa may niyugan. Naghahabulan kami noon ni Serene.

“Manunulot,” ngitngit ko na hindi na naman napansin ni Caloy.

Nahulog siya sa hukay at namatay. At dahil alam nina Inay na ako ang kasama ni Serene, sa akin nagtanim ng galit si Martin. Kinampihan naman ako ni Don Simon sa paniniwala niya na hindi ko naman talaga sinadya na mahulog sa hukay si Serene. Nagtataka ang mga trabahador at si Don Simon kung para saan ba ang malalim na hukay na iyon, pero dahil sa wala rin namang alam ang aking ama, si Fabian, pinatabunan na lang ulit iyon ni Don Simon. Isang gabi, paglabas ko ng bahay para magpahangin, napagawi ako sa niyugan. Malapit-lapit lang din kasi iyon sa bahay namin. Nakita ko na may mga tahimik na naghuhukay sa may kalayuan kaya pinuntahan ko. Nakita ko ang mga trabahador at si Ronnie.

Pero agad niya akong pinaharangan sa mga trabahador niya bago pa ako nakatakbo palayo.

“Wala kang pagsasabihan nito, Caloy, maliwanag?” bulong niya sa akin.

“A-Anong ginagawa ninyo sa hukay na iyan?”

Nasagot na ng ilang trabahador ang katanungan ko. May nakita akong mga bag ng droga na iniimbak doon.

“D-Droga. Nagtatabi kayo ng droga sa hacienda?”

Ngumisi lang si Ronnie saka nilabas ang baril para itutok sa noo ko.

“H-Huwag mo akong patayin! Walang makakaalam nito! Hindi ako magsusumbong! P-Pangako!”

Nilaparan pa niya ang pagkakangisi. “Makakasigurado lang ako diyan kung sasali ka sa sindikato.”
“S-Sige, sige.”

Pero habang tumatagal, dahil sa malaking pera na natatanggap ko, na-enjoy ko na rin ang pagsisilbi sa sindikato…

Napatango-tango na lang ako. Hindi ko pa talaga kilala ang Ronnie na tinutukoy nito. Isa ito marahil sa mga bagong salta sa sindikato. Iniwanan ko na lang si Caloy, sana nga lang ay buhay pa siya mamaya pagdating ng mga pulis. Kahit papaano naman kasi ay may konsiderasyon ako lalo na at mukhang napilitan lang si Caloy na sumali sa sindikato. Pero bakit hindi niya kinalaban ang sindikato ng mapatay nila ang tatay niya sa engkwentro namin sa maisan.

“Kinasusuklaman kita,” narinig kong habol-hininga ni Caloy nang patungo na ako sa pinto. “Dahil sa’yo kaya namatay ang aking ama. S-Sana… S-Sana hindi ka na niya sinama… sinamahan nung gabing iyon.”

“Huwag kang mag-alala,” sagot ko sa kanya ng walang kalingon-lingon. “Tinapos lang kaagad ang paghihirap ng ama mo sa pagpapalaki ng isang demonyong anak na katulad mo. Maiintindihan pa sana kita ng mas mabuti kung sa malaking pera na binigay sayo ng sindikato ay binigyan mo ng kaunting ginhawa ang iyong mga magulang na nagpapakahirap magtrabaho dito. Mabuti na rin at nasa langit na ang kaluluwa niya.”

Gusto ko na sanang tapusin ang buhay ng bastardong bata na ito, pero bahala na ang Diyos sa kanya.

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon