TIGHT-LIPPED/ chap.5

5.6K 65 0
                                    

Chapter Five

[Lavinia’s POV]

MWAH.MWAH.

*HUGS*

Niyakap at hinalikan ko sina Mama at ang mga kapatid ko.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami kina Mama.

Anong oras na, maga-alas kwatro na raw ng hapon sabi ni Segmun kaya umalis na kami.

Tulad nga ng sinabi niya kahapon, nag-shopping kami kaninang umaga. Bili ng mga damit, sapatos, appliances tulad ng TV, at kung anu-ano pa. Mga benteng damit din yata ang laman nitong bag na dadalhin ko sa bahay ni Segmun. Doon na ako titira—pansamantala. Sana.

Nag-drive na si Segmun at nang makarating na kami sa bahay niya, kulang na lang yata mag-waterfalls na ang laway ko. Pero wala namang tumulo. Ang ganda kasi ng bahay niya. *_____* Sana kasing ganda na lang ng bahay na ito ang ugali ni Segmun noon pa.

Bumaba na kami ng sasakyan at himala kay Segmun dahil binitbit niya yung bag ko ng mga gamit. Naalala ko tuloy long time ago nung nasa grocery kami. Yun yung first time na pinagdala ako ng Segmun ng gamit. Isang plastic bag lang naman ng corned beef at sardinas yun. Iyon yung first time and last time na pinagdala ako ng gamit ni Segmun. Tapos ngayon… EEEEEEEEEEEEE! Wala lang. Ang sweet-sweet kasi nung ganun J HAHAHA. All my life kasi, very independent-minded din ako eh. Kumbaga, kung kaya ko naman na ako na ang bumitbit ng bag ko, hindi ko na pinabibitbit sa iba, at wala namang caring na lalaki na ganun sa akin eh. HAHA. Ewan ko lang kung ilalagay ko sa category na iyon si Segmun. Pinagbitbit nga niya ako pero CARING na lalaki? Pag-iisipan ko muna.

Pagpasok namin ay dumere-deretso si Segmun paakyat ng hagdan.

“Dadalhin na rin kita sa magiging kwarto mo para hindi ka na maligaw dito sa bahay natin.”

Bahay natin. Bahay namin. *iling-iling* ayoko munang mangarap. ;O

Binaba niya yung bag ko para buksan yun pinto ng magiging kwarto ko.

Medyo nganga lang ako ng makapasok na kami sa kwarto. O___________O

May apat na poste pa ang kama ko at canopy. Lahat puti, pati bed sheet at carpet tapos may French doors pa patungo sa terrace. WOW talaga. Kung lahat ba naman ng mga PA ganito ang mararanasan siguro magiging in-demand nang trabaho ang pagiging alalay!

Binaba na ulit ni Segmun yung bag ko sa tabi ng malaking cabinet.

“Sige, magpahinga ka muna rito. If you need something, puntahan mo na lang ako sa salas.”

Paalis na siya.

“Segmun,” tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin.

“No need na,” patuloy ko sa sasabihin ko. “Tatawagin ko na lang ang mga maids mo pag may kailangan ako.”

Medyo tumawa si Segmun kaya humarap na ako ng tuluyan sa kanya.

“Maids? Wala akong maids dito. Tayong dalawa lang ang nasa bahay na ito.”

O_____________O WHAAAAAAAT?

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon