TIGHT-LIPPED/ chap. 23

3.2K 45 0
                                    

Chapter Twenty-Three

____________________

[Lavinia’s POV]

Alam ko na may problema. Katabi ko nga kasi si Segmun pero parang wala naman ang presenceof mind niya. At kapag tinatanong mo naman kung anong problema, ang sasabihin wala. Kung mahal niya ako, bakit hindi niya sabihin sa akin ang pinoproblema niya? Am I not worth the trust? Akala ko ba nakalimot na siya sa naging away namin sa nakaraan? Bakit…

“Lavinia.”

Kahit hindi ako lumingon, alam ko na si Segmun iyon. Hinawi ko ang buhok ko na hinangin at tumabing sa mukha ko. Nakatayo pa rin ako sa terrace ng kwarto namin. Tumayo si Segmun sa tabi ko at tinukod ang mga kamay niya sa marmol na railing ng terrace.

“I’m sorry.”

“For what?”

“Alam mo na yun. Sa pagtitikom-bibig ko.”

Huminga ako ng malalim.

“You never trusted me, Segmun.”

“Malaki ang tiwala ko sayo.”

Hinarap ko siya. “Oh, really? Our issues before already proves it. Hindi ka naniniwala na mahal kita kaya hindi mo maramdaman iyon at hindi mo masabi sa akin ang problema mo kasi-“

“Shh-“ bitin niya sa mga sasabihin ko. “Stop. Stop. Mahaba na naman ang sasabihin mo eh. Let’s just keep this simple, Lavinia. Am I forgiven o kailangan mo ng isang buong gabi para lumamig ang ulo mo?”

Tinanaw ko na lang ang maisan sa may kalayuan.

“Hindi ko pa masasabi ngayon ang pinoproblema ko.”
Nilingon ko ulit siya. “At bakit hindi? Siguro dahil ako ang pinoproblema mo, ano?”

“Lavinia—“

“Ayaw ba ng Papa mo sa akin?”

Bumuntong-hininga siya. “Not exactly…”

“Pero iyon yun,” I concluded with a nod. “I understand. Ayaw din naman ng tatay ko sayo para sa akin.”

Umalis na ako sa terrace, pero pinigil ako ng yakap niya sa likod ko. Pinatong ni Segmun ang baba niya sa balikat ko at humalik sa pisngi ko.

“I love you.”

Hindi ako nagsalita.

“Lavinia naman…”
“Ano?”

“Come on.”

“Ano?”

“Huwag ka nang magalit.”

“Hmph.”

Hinigpitan niya ang yakap sa akin.

“Hindi ka makakahinga hangga’t ‘di mo ako pinapatawad.”

“Black mail?”

Tumawa siya ng konti. “Kasi naman, please naman.”

Kumalas ako sa pagkakayakap niya para harapin siya.

“Well,” I finally smiled. Bahala na. How can I resist him anyway? How could I resist those dark ebony eyes staring into mine? Melting all my bones and organs and everything inside my body? Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi. “I love you too.”

“Sa wakas, umamin ka na din na mahal mo ako... ulit.”

“Ewan ko sayo,” tawa ko na lang bago ko siya niyakap. Pero tinulak ako ni Segmun ng dahan-dahan palayo sa kanya. I looked at him with questioning eyes. Hinawakan lang niya ako sa magkabilang pisngi at siniil ng halik sa mga labi.

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon