Chapter Seven
[Lavinia’s POV]
Sana ako na lang talaga ang mapangasawa niya. :)
:( Pero in this situation, parang wala na siyang interes din sa akin, although it’s a mystery kung bakit niya ako tinutulungan ng ganito.
Naka-shorts lang ako at shirt nang sumulpot ako sa tabi ng swimming pool. Si Segmun naman, naka-shorts at half-naked nang naglalalangoy.
HALF-NAKED.
--___-- Parang gusto kong ipikit muna sandali ang makasalanan kong mga mata.
“Tara na!” tawag sa akin ni Segmun sa pool.
“Opo!” sigaw ko tsaka bumuwelo, bago tumakbo at tumalon sa pool.
SPLAAAAAAAAAAAAAAAAAAASH!!!!!!!!!!!!!!!!
Medyo nakainom pa yata ako ng tubig. Hindi ko masyadong natantiya na mas malalim sa akala ko ang swimming pool.
Lumapit sa akin si Segmun. “Karera!”
“Go!” sabi ko, tsaka kami dumako sa mababaw na dulo ng pool.
“Pero dapat may pustahan,” dugtong ni Segmun saka tumayo at humarap sa direksyon kung saan kami lalangoy.
“Pustahan. Diyan ka magaling,” sabi ko tsaka inayos ng konti ang damit ko na dumikit sa katawan ko dahil basa.
“Lagi nga akong panalo noon kapag nagpupustahan tayo ‘di ba?”
“Naku!” iwas ko sa tingin niya. “Ano bang pustahan natin?”
“Ikaw? Anong gusto mo pag nanalo ka?”
Nag-isip ako. Isip. Isip.
“Pag nanalo ako dito, bibigyan mo ako ng pang-shopping.”
“1 thousand?”
“1 thousand ka diyan? Kulang pa yun!”
“Hehe. Okay. One hundred thousand. How about that?”
O_______O ONE HUNDRED THOUSAND?
“DEAL!” sabi ko sa kanya. “100 thousand! Wala nang bawian ‘yun ha?”
“Oo ba, basta pag ako ang nanalo, bibigay mo sa akin ang gusto ko.”
“Bakit, ano ba yung sayo?”
Tumawa siya saka nagsimula nang maghanda sa paglangoy.
BINABASA MO ANG
Tight-Lipped (COMPLETE)
RomanceRich girl Lavinia Montez had everything when all of a sudden, she found herself pushing a "kariton". How is this possible? Bakit? Paano? At kung hindi pa sapat iyon na problema, heto at dumagdag ang kanyang ex-boyfriend na si Segmun! He was offering...