TIGHT-LIPPED/ chap.10

4.2K 65 0
                                    

Chapter Ten

[Segmun’s POV]

Sa wakas, nakarating na rin kami sa Hacienda Libral sa Batangas.

It’s a private farm. Less known by the public. Pero mabenta ang produkto ng farm namin tulad ng lambanog, tuba, iba pang coconut products at may maisan din kami sa farm. 10, 000 hectares iyon at may rancho din kami. May alagang mga manok at baka at baboy. Plano ko nga na magkaroon na kami ng sugarcane plantation, pero ongoing process pa rin. Hindi ko kasi mapapayag si Papa sa ideyang iyon.

Pagbaba namin ng kotse ay sinalubong na kami ng ilang mga trabahador at katulong. Kina Mang Steban ko na pinabitbit ang mga bag namin ni Lavinia. Napansin ko na wala si Nanay Dolores, ang asawa ni Mang Fabian na namatay daw nung isang araw tulad ng sinabi sa akin sa cell phone ni Papa.

“Morning po, Senorito,” bati sa akin nina Nanay Celia.

“Morning po, Senorita.”

Nilingon ko si Lavinia na nginitian naman sila. “Ah, eh… Lavinia na lang.” :))

“Girlfriend niyo, Senorito?” tanong ni Tiyang Pepay, anal ni Nanay Celia. Halos kaedad nito ang pinsan ko na si Kuya Honorio na fifty-one na.

“PA, po,” sagot ni Lavinia para sa akin.

“PA,” echo ko sa sinabi niya tsaka nilingon ang mga katulong. “Prinsesang Anghel.”

“AYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEE!” react ng mga babae kahit matatanda na sila.

Binalingan ko si Lavinia na naka-irap sa akin at naka-ekis ang mga braso. Inakbayan ko na ang siya at hinila papasok ng bahay.

“Anong tanghalian natin, Nay Celia?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa dining room.

“Marami, Senorito! Bubusugin namin kayo ni Senorita!” masigla niyang sabi.

“Ay Senorito, kaaalis lang po pala ng Papa Ju—“

“Naku, Nay Celia,” putol ko agad sa kanya. “Alam ko na po. Tinawagan niya ako kahapon.”

“Naku, sayang eh no?” sabi niya habang umuupo na kami ni Lavinia sa hapag-kainan. Pinaglagay na niya kami ng tubig sa mga baso namin. “Hindi tuloy nagkita ang Papa ninyo at si Senorita.”

“Magkikita rin sila,” sabi ko tsaka binalingan si Lavinia na naglalagay na ng kanin sa pinggan niya.

Matakaw pa rin siguro ‘to. Hehe.

“Sige, Senorito, Maiwan ko na muna kayo ni Senorita.”

“Salamat, Nay Celia,” sabi ko sa kanya.

“Salamat po,” pasalamat din ni Lavinia sa katulong namin.

“Prinsesang Anghel hah,” basag ni Lavinia sa katahimikan habang kumakain kami.

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon