Chapter Eleven
____________________________________________
[Segmun’s POV]
*BLAG*
Tsk. At kelan pa nagkainteres sa pangangabayo itong si Ronnie at biglang sumulpot sa eksena?
Unang-una sa lahat, mahilig siya sa buhay Maynila—sa siyudad, hindi malayo sa sibilisasyon at modernasyon. Mahilig siya sa gadgets, kotse, at ni wala siyang alagang hayop, kahit aso man lang, sa condominium niya.
Kaya bakit kaya nandito ang lalaking iyon ngayon?
At timing pa na kasama ko si Lavinia.
*FLASHBACK*
“Sige, Pa,” sabi ko sa kausap ko sa phone tsaka patuloy na nag-scroll ng screen sa laptop ko.
Dumako ako sa isa pang photo album ng Facebook account ni Lavinia. Matagal-tagal na din niyang hindi napapakialaman iyon.
“Lavinia Peralta Montez?”
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses—si Ronnie.
“Ganda ah,” dagdag pa niya tsaka umupo sa tabi ko.
“Bakit ka nandito, Ronnel? Nag-cutting ka na naman?” sabi ko tsaka binalik sa Facebook account ko ang screen.
“Segmun talaga,” tawa niya. “Graduating na naman ako kaya wala na masyadong pressure sa school at sino ang Lavinia na yun? Parang bagay kami ah?”
*masamang –tingin* “Kami ang bagay.”
“Ooooooh,” tumango-tango siya, “I see.”
Pero kitang-kita ko kay Ronnie na may-gusto na agad siya kay Lavinia.
Dahil isang araw, nang magpunta siya sa bahay ko ng hindi ko alam…
“RONNIE?”- tanong ko nang makita ko siyang nakamasid sa portrait ni Lavinia.
“May portrait ka na pala niya rito sa bahay mo.” – harap sa akin ni Ronnie.
“Oo, nung unang withdraw ko sa unang buwanang kita ng hacienda, bakit?”
“Nagpunta ako dito kasi sabi ni Tito Hermes, asikasuhin mo naman daw yung factory natin sa Bulacan.”
“Yeah, right. He should have phoned me about that.”
“Eh sa gusto kong bumisita sayo kaya nagpresenta na ako.”
“At bakit mo naman ako bibisitahin?” baba ko ng attache case sa sofa.
Lumapit sa akin si Ronnie at ngumisi. “Itatanong ko sana sayo ang tungkol kay Lavinia. Las Pinas City lang ang nakalagay sa address niya, pero hindi nakalagay kung saan sakto. Maybe, you know.”
BINABASA MO ANG
Tight-Lipped (COMPLETE)
RomanceRich girl Lavinia Montez had everything when all of a sudden, she found herself pushing a "kariton". How is this possible? Bakit? Paano? At kung hindi pa sapat iyon na problema, heto at dumagdag ang kanyang ex-boyfriend na si Segmun! He was offering...