Chapter Six
[Lavinia’s POV]
Naalala ko nga palang itanong kay Segmun kung may mga appointments ba siya this week para mapag-aralan ko na ang gagawin ko depende sa schedules niya kaya napabangon ako ng kama at agad na lumabas ng kwarto.
“I always will,” narinig kong sabi niya.
“Segmun!”—tawag ko naman sa kanya. Too late ko na napansin na may kausap pala siya sa phone. Napalingon kaagad siya at agad na binulsa ang cell phone niya.
O____________O – “Kanina ka pa ba nandiyan?” tanong sa akin ng parang nakakita ng multo na si Segmun.
“Kalalabas ko lang, no?” kibit-balikat kong sagot sa kanya. Ano bang sanib meron itong si Segmu at grabe kung magulat. “Tatanungin ko po kasi kung may kopya ka ba ng business schedules mo for this week para mapag-aralan ko na.”
*buntong-hininga* “Iyon ba? Kukunin ko na lang sa office ko. Tara.”
Sumunod naman ako sa office room ni Segmun sa ground level ng bahay niya. Puno ng libro sa silid na iyon. Halos buong pader yata sa apat na sulok ng silid puro mga book shelves ang naroon. Pero may isang space na siyang kinalalagyan ng human-sized na bintana. Lumapit si Segmun sa table niya at umupo sa swivel chair para buksan ang isa niyang drawer sa table.
“Actually, hindi ako nagse-secretary. I really have a hard time trusting people.”—sabi niya habang naghahalungkat sa drawer niya.
“So, it means, secretary na rin ako, gan’un?”
“Parang ganun na rin naman ang PA ‘di ba? Secretary.”
“Hindi rin,” sagot ko tsaka lumapit sa isang book shelf para tignan ang mga libro. “Sigurado ako, hindi mo pa nababasa ang lahat ng libro sa library na ito.” ^____^
“Anong tingin mo sa akin—igno? Nabasa ko na lahat iyan.”
“WEH?” – sabi ko tsaka kinuha ang isang libro na may naka-print na Libral sa spine nito.
Pagbuklat ko, mga pictures ang nakita ko. Mga pictures na nakadikit sa pages ng libro. Mula sa pinakaluma hanggang sa medyo bago pa.
“Angkan kami ng mga gwapo no?” tawa ni Segmun na nakatayo na pala sa likuran ko.
Pinatong niya ang isa niyang kamay sa balikat ko at nilapit ng konti ang pisngi sa pisngi ko para makasungaw siya sa libro na tinitignan ko.
“Iyan ang Lolo ko sa talampakan,” turo niya sa picture ng lalaking parang Andres Bonifacio ang outfit.
“Wala pa namang pictures nung panahon ni Bonifacio ah?” sabi ko.
“Meron na. Rare pa nga lang. Si Rizal nga eh, may litrato, ang lolo ko pa kaya sa talampakan. Tsaka, hindi naman saktong kinuhanan yang litrato na iyan nung simula ng Spanish regime no? Halos kasabayan lang niya si Emilio Aguinaldo.”
BINABASA MO ANG
Tight-Lipped (COMPLETE)
RomanceRich girl Lavinia Montez had everything when all of a sudden, she found herself pushing a "kariton". How is this possible? Bakit? Paano? At kung hindi pa sapat iyon na problema, heto at dumagdag ang kanyang ex-boyfriend na si Segmun! He was offering...