CHAPTER TWO
[ Segmun’s POV]
Sabi na nga ba at hindi ako nagkakamali.
Si supladang Lavinia nga iyong nakita ko.
Pero nagulat naman ako. Hindi dahil sa outfit niya. Noon pa man, alam ko nang may sa maton ang babaeng iyon eh. Yung kariton ang gumulat sa akin. Grabe yata ang naging pagbagsak ng ekonomiya ng bansa. Pati mayayaman nagtutulak na ng kariton ngayon.
Pinanood ko muna sila sandali ng nanay niya na papalayo na tulak-tulak yung kariton. Nasaan na kaya ang tatay ni Lavinia no? Naaalala ko tuloy ang takot ko sa mamang iyon. Basta, hindi ko alam kung bakit takot ako sa lalaking iyon kahit ako yung taong walang kinatatakutan.
Marahil dahil mahal ko si Lavinia noon.
At natatakot ako na makaharap ang tatay niya dahil magkakagulo. Tapos ilalayo na nun sa akin si Lavinia.
Mahabang kwento. Basta bumalik na lang ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Sinundan ko sila Lavinia. Hanggang sa tumigil sila sa Luneta. Hindi kaya mahuli sila ng mga pulis doon?
I have a plan.
[ Lavinia’s POV ]
Kailangan ko ng makadelihensya ulit.
“Mama,” paalam ko, “raraket ulit ako ha?”
Nilingon ako ni Mama na nakaupo lang sa may tabi ng kariton. Kumakain na sila Marta at Alfonso ng biniling mga pagkain ni Mama—siomai at palamig.
“Ano bang raket iyan talaga, Nia?” lingon niya sa akin.
“Basta,” kamot ko sa batok ko. Nakukulitan ako pag tinatanong sa akin yan lagi ni Mama. Ayaw ko kasing magsinungaling, pero ayaw ko namang sabihin sa kanya na nangi-snatch ako. “Iba-iba ang raket ko eh. Ako na ang bahala, Mama. Okay?”
Tumango-tango na lang siya. “Basta, mag-iingat ka ha?”
Tumango ako tsaka umalis na.
[Segmun’s POV]
Umalis na si Lavinia at iniwan ang nanay niya.
Pero sigurado ako na babalikan niya ang mga ito.
“So, ano na?” tanong sa akin ni Gerald na nasa loob ng van na katabi ng kotse ko. Nasa loob siya ng van, sa driver’s seat at ako naman ay nakatayo lang sa likod ng bukas na pinto ng kotse ko.
“Hintayin mo ako dito, Gerald,” sabi ko tsaka lumakad papunta sa nanay ni Lavinia, avoiding her way, of course. Lagot ako pag nakita ako ng suplatidang iyon.
Nilapitan ko agad ang nanay ni Lavinia na tinitigan ako.
O____________O “L-Libral?”
^____________^ “Buti at kilala niyo pa rin po ako.”
U___________U “Bakit ka nandito?”
“Tutulungan ko po kayo.”
Napatingala ulit siya sa akin. Parang hindi makapaniwala.
“Kami? S-Sigurado ka ba, hijo?”
“Oo naman po, susundan ko ba kayo rito kung hindi?”
“May kapalit iyan no?” sabi niya tsaka tumayo at pinag-ekis ang mga braso niya.
Napakamot lang ako ng batok.
“Si Lavinia, ano?” tamang-hula niya.
“Kailangan ko ng PA. Pwede siyang magtrabaho sa akin,” sabi ko professionally. “Tsaka kahit paano naman ay may pinagsamahan kami. May-kaya naman ako kaya hindi mabigat sa akin kung tutulungan ko kayo, di ba?”
Parang ay duda pa rin ang nanay niya sa akin. “Ano ba talaga ang motibo mo sa anak ko, Libral?”
Nginitian ko na lang siya. “Walang masamang intensiyon. Sayang naman kung tatanggihan niyo pa ang tulong ko.” Tinignan ko ang mga kapatid ni Lavinia. “Sila, may maganda pang kinabukasan para sa mga kapatid ni Lavinia kung hahayaan niyo akong tumulong sa inyo.”
Tinitigan lang ako ng mama niya bago sumagot.
[Lavinia’s POV]
O_____O Si GERALD.
Bakit ba biglang nagsusulputan ang mga taong ito? Una, si Libral! Ngayon naman ang best friend niyang magaling!
“Lavinia!” tawag sa akin ng mokong.
“Buhay ka pa pala, Gerald!” anas ko sa kanya.
“Easy, Lavinia!” tawa pa nito. “Huwag mo naman ibaling sa akin ang galit mo kay Segmun!”
“Pasalamat ka at kailangan kong makadelihensya ngayon,” sagot ko sa kanya tsaka nilagpasan siya at tumakbo na para maghanap ng mai-snatch-an. Pero pa-jogging lang ang takbo ko kaya naabutan ako ni Gerald.
“Sandali lang, Lavinia. May ibibigay ako sa’yo.”
“Ayoko ng tulong ninyo!”
Pero hindi pa rin binitiwan ni Gerald ang braso ko. Sinampal niya ako ng napaka-lakas kaya napabagsak ako. Binuhat ako ni Gerald papasok sa kotseng katabi nung van na pula. Hindi niya ako nabitawan kahit na nanlaban ako. Nagsususuntok at nagsisisipa. Sinarado na niya ang pinto.
“Ilabas mo ako rito!” sigaw ko pero hindi na makatayo sa backseat ng kotseng iyon. Napagod yata ako masyado sa katutulak ng kariton buong araw at sa panlalaban ko kay Gerald. Pero walang nangyari. Nanahimik na lang ako hanggang sa mapapikit na lang ako…
[Segmun’s POV]
Nagulat ako nang makita ko sa backseat ng sasakyan ko si Lavinia.
Buti na lang at nasa loob na ng van ni Gerald sina Mama, Alfred at Marta—ang pamilya ni Lavinia.
“Gerald, bakit may pulang kamay sa mukha si Lavinia?” tanong ko.
“Ah… Eh… nadapa kasi siya nung—“
“Gerald!” banta ko sa kanya. Alam ko kapag hindi nagsasabi ng totoo ang gagong ito eh.
“Oo na, sinampal ko,” paawa pa ang mukha ng tarantadong ito. “Sorry.”
“Gusto mo bangasan kita?” amba ko sa kanya.
“Pare naman! Huwag na! Pinagsususuntok na nga ako at sinipa-sipa niyang si Lavinia, sasaktan mo pa ako. Basta ako, sumunod ako sa plano mo. Ayan na siya, tara na nga!”
*buntong-hininga* “Oo na!” sabi ko tsaka inokupa ang driver’s seat ng sasakyan.
Alam na ni Gerald kung saan niya dadalhin ang nanay ni Lavinia.
Tahimik sa loob ng kotse nang nagda-drive ako nang bumangon mula sa backseat si Lavinia at hambalusin ako sa ulo ng mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
Tight-Lipped (COMPLETE)
RomanceRich girl Lavinia Montez had everything when all of a sudden, she found herself pushing a "kariton". How is this possible? Bakit? Paano? At kung hindi pa sapat iyon na problema, heto at dumagdag ang kanyang ex-boyfriend na si Segmun! He was offering...