TIGHT-LIPPED/ chap.24

3.1K 45 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

_________________________

[ SIMON’S POV ]

Nasaan na kaya iyon? Ang sana naman wala nang iba pang nakapulot ng wallet na iyon. Kung meron man, sana binalik kay Segmun o kaya sa akin ng mga trabahador. Gusto ko sana i-anunsyo ang tungkol sa nawawalang wallet ni Macario, kaya lang, mahirap na, lalo pa’t narito halos ang buong angkan ng mga Libral. Hindi pa nila kilala si Macario at nandito rin si Lavinia. Hindi niya pwedeng malaman na kilala ko ang ama niya at na nakatakda na itong makulong para lang mabuwag ang sindikato. Kahit na gusto pa akong iligtas ni Macario dahil sa utang na loob niya sa akin, hindi ako papaya na siya lang ang magbayad ng kasalanan ng kasama ang sindikato. Dawit din ako rito kaya nararapat lang na makulong ako, tutal, mamamatay na rin naman ako. Mabuti nang pagbayaran na ang mga kasalanan na ginawa ko noon.

Sa pag-iikot ko sa maisan, binabati ako ng mga trabahador.  Tinatanguan ko na lang sila aat nagpapatuloy sa paglalakad, tumitingin-tingin sa lupa at nagbabakasali na may makita akong wallet.

“Papa?”

Napalingon ako kay Segmun. “Ikaw pala?”

“Ang aga-aga ah, nandito kayo sa maisan?” ekis niya sa mga braso tsaka sumabay sa akin sa paglalakad.

“Well,” sabi ko habang patuloy pa rin ang pagtingin-tingin sa lupa, “masarap maglakad-lakad sa umaga, lalo na at hindi pa mainit, ‘di ba, anak?”

“Anak,” ngisi lang niya. “Naaalala ko ang mga panahon na hindi mo ko matawag-tawag na anak.”

“Nagmana ka kasi sa tigas ng ulo ko. Hindi ko matanggap.”

Natawa lang si Segmun. Sa wakas, may nasabi rin ako sa anak ko na nagpatawa sa kanya. Sana pala noon pa, noon ko pa siya napatawad ng tulad nito. Ganito siguro ang pakiramdam talaga kapag alam mo na maraming taon kang nasayang. Mga panahon na sana ay nagugol mo kasama ng mahahalagang tao sa buhay mo. Pero kahit nararamdaman ko na huli na ang lahat, sana maalala ni Segmun na minsan ay napatawad siya ng tarantado niyang ama.

“Papa, nag-aalala lang ako,” biglang seryoso ng mukha niya.

Binalingan ko siya saglit at nginitian. “Nag-aalala tungkol saan?”

“Sa’yo. Hindi ba nagtago ka sa America dahil sa kaso na kasali ka sa isang sindikato? Paano ngayon ‘yan? Hindi kaya matagpuan ka bigla rito ng mga pulis?”

“Masyado kang nag-aalala. I made sure na walang makakaalam kaagad na nandito na ako sa Pilipinas.”

“Bakit hindi na lang natin tapusin ito, Papa? Tutal, hindi naman totoo ang mga paratang sa’yo ‘di ba? Ikaw pa eh, mabagsik ka sa pagdidisiplina sa amin,” iling-iling ni Segmun, “imposibleng kaanib ka ng kung anong ilegal na sindikato.”

Kung alam mo lang, anak, ang katotohanan.

May sinabi pa si Segmun pero hindi ko na iyon pa naintindihan dahil may nakita akong itim na leather wallet sa gilid ng lakaran, malapit sa isang halaman ng mais.

Nakita ko na yata ang hinahanap ko.

Nagkunwari akong may dinukot sa bulsa ko.

“Ah. Nahulog pati ang wallet ko,” sabi ko tsaka agad na yumuko para pulutin ang wallet ni Macario.

Hindi naman nakahalata si Segmun. Tinignan lang niya ako.

“Tara na sa mansyon? Matanda na yata talaga ako, napapagod na agad sa simpleng paglalakad-lakad.”

[ LAVINIA’S POV ]

Nasa salas kaming mga babae, tulong-tulong sa pagde-dekorasyon ng mansyon. Tinutulungan na namin ang mga katulong. About sa catering naman, tinawagan na ni Tita Glorietta ang catering service para doon. Bukas na ang unang araw ng family reunion party. Tulad ng nai-suggest ko na, bukas ang mga elders muna ang magsasama-sama sa party. Sabay-sabay nang nakapag-almusal ang lahat kaya heto at tulong-tulong na sa pag-aayos. Nakakatuwa naman ang pamilya ni Segmun. Nagtataka tuloy ako kung bakit siya naglayas noon kung ganito naman ka-hospitable ang pamilya Libral. Oh well, maybe nagbago na ang lahat at hindi na tulad noon. Siya namang pasok ng mag-ama mula sa labas—si Segmun at Tito Simon.

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon